Electrician, 10 araw naglakad para makauwi dahil umano'y 'di binigyan ng sahod
- Sampung araw umanong naglakad ang isang electrician para makauwi sa kanila sa Oriental Mindoro
- Ito ay matapos umanong iwanan ng nag-hire sa kaniya at hindi binigay ang kanyang sahod sa ilang buwan niyang pagtatrabaho
- Ito ay ayon sa pulisya sa Daraga, Albay na siyang tumulong sa kanya matapos iyang makita nitong Martes ng mga personnel ng Daraga police matapos maglakad umano mula Sorsogon
- May hawak na malaking piraso ng karton si Chua kung saan nakasulat ang umano'y kaniyang pinagdaanan at hinaing
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang nagpakilalang electrician ang nakita nitong Martes ng mga personnel ng Daraga police matapos maglakad umano mula Sorsogon. Sampung araw umanong naglakad ang isang electrician para makauwi sa kanila sa Oriental Mindoro.

Source: Facebook
Ito ay matapos umanong iwanan ng nag-hire sa kaniya at hindi binigay ang kanyang sahod sa ilang buwan niyang pagtatrabaho. May hawak na malaking piraso ng karton si Chua kung saan nakasulat ang umano'y kaniyang pinagdaanan at hinaing.
Salaysay niya sa mga pulis, Oktubre 2021 nang dalhin siya ng kontraktor upang magtrabaho sa konstruksyon ng isang fastfood chain.
Ayon pa sa salaysay ni Chua sa kapulisan, bago matapos ang taong 2021, iniwan umano siya ng kaniyang contractor at hindi ibinigay ang ilang buwang sweldo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil wala din siyang cellphone, minabuti niyang maglakad pauwi sa kanila at inabot umano siya ng 10 araw bago siya makita ng mga pulis.
Nakatanggap siya ng tulong mula sa Albay Public Safety Management Office na kaniyang ginamit pauwi ng Oriental Mindoro.
Hinatid ng pulisya si Chua sa bus terminal para tuluyang makauwi sa kaniyang probinsiya. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa kanyang natanggap ng tulong.
Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.
Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.
Isa sa nag-viral na video kamakailan ay ang pag-iyak ng isang bride matapos silang lokohin ng kanilang wedding coordinator. Kasunod ng pag-viral ng video niya ay bumuhos ang simpatya at may ilang mga personalidad na tumulong sa kanila.
Source: KAMI.com.gh