Virgelyn, namahagi ng pera sa mga magsasaka at sa mga nadaanan sa lansangan
- Muling namahagi ng biyaya si Virgelyn at ngayon ay sa mga masuswerteng magsasaka na kanyang napuntahan
- Natulungan din niya ang mag-asawang magsasaka na mayroon nang karamdaman at labis na nahihirapan sa kanilang kalagayan
- Nagsabog din siya ng pera sa lansangan sakay ng kanyang bagong bihis na sasakyan na labis niyang ipinagpapasalamat dahil sa suporta ng kanyang subscribers
- Inaasahang mas lalo pa raw palalawakin ni Virgelyn ang kanyang pagtulong sa pagpasok ng taong 2022
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa pagtatapos ng taong 2021, pamamahagi pa rin ng biyaya ang inatupag ng mapagbigay na vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0.
Nalaman ng KAMI na kahit sa mga huling araw ng taong 2021, pagtulong pa rin sa mga nangangailangan ang ginawa ni Virgelyn at ngayon, pawang mga magsasaka naman ang kanyang sinadya.
Pinapila niya ang mga ito maging ang kanilang pamilya para mabigyan ng tulong pinansyal sa pagdating ng Bagong Taon.
Sa pila, napansin din niya ang isang lola na malaki na ang leeg dala umano ng trabaho.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nalaman din niyang maysakit na ang asawa nito kaya naman mag-isa na lamang siyang nagha-hanapbuhay.
Dahil dito, pinatabi muna siya ni Virgelyn at matapos niyang mamahagi sa mga magsasaka, sinamahan niya ang lola para makita ang kalagayan ng asawa nito.
Doon nakumpirma nga niya ang karamdaman nito at para maibsan ang nararamdaman hirap at pagka-aburido ng mag-asawa, biniyayaan niya ang mga ito ng may kalakihang halaga ng pera.
At nang makabalik naman sa lansangan, patuloy pa rin na namahagi ng pera si Virgelyn sa kanilang mga dinaraanan.
Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire niyang video:
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa.
Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.35 million ang kanyang mga subscribers.
Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.
Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.
Kamakailan, napaluha ang marami sa ginawa ni Virgelyn kung saan hinakot, pinakain at binigyan pag-asa niya ang mga nakikitang homeless, parking attendant at mga nawalan ng trabaho.
Source: KAMI.com.gh