Virgelyn, naghakot ng taong lansangan at binigyan ng biyaya ngayong Kapaskuhan

Virgelyn, naghakot ng taong lansangan at binigyan ng biyaya ngayong Kapaskuhan

- Naghakot ng mga taong lansangan si Virgelyn at kanyang pinakain sa isang restaurant

- Mula sa mga homeless, namamalimos, parking attendant at mga nawalan ng trabaho, lahat ng ito'y natulungan niya

- Bukod sa masasarap na pagkain, pinabaunan pa niya ito at binigyan ng tulong pinansyal

- Nagpalaro rin si Virgelyn para lalong mapasaya ang kanyang mga natulungan at Php2,000 ang premyo ng bawat nanalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang hindi nakalimot si Virgelyn sa mga taong lansangan na nagawa pa niyang hakutin para madala sa isang restaurant.

Nalaman ng KAMI na isinama ng matulunging vlogger ang mga parking attendant, homeless at mga taong nasa lansangan na nawalan ng trabaho para mapasaya sila ngayong Kapaskuhan.

Masasarap na pagkain ang inihain sa mga natulungan ni Virgelyn at sagot din ng restaurant na CocoNatz ang kalahati ng bill ng mga ito.

Read also

Basel Manadil, nagluto at namigay ng pang-noche buena ng mga taong lansangan

Virgelyn, naghakot ng taong lansangan at binigyan ng biyaya ngayong Kapaskuhan
Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Nagpalaro rin si Virgelyn para lalong mapasaya ang mga kababayan nating 'malungkot' daw ang kanilang Pasko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Php2,000 ang premyo ng mga nanalo sa 'bring me' na palaro ng vlogger. Habang nagpapalaro ay pinangangaralan din niya ang mga ito para sa mas maayos na pamumuhay.

Matapos silang mabusog at sumaya sa palaro, pinabaunan pa sila ni Virgelyn at may pakimkim pa itong tig-500 piso.

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang mga natulungan ni Virgelyn sa pag-aakalang hindi magiging masaya ang Pasko nila kaya naman labis ang pasasalamat nila sa vlogger.

Narito ang kabuuan ng nakakaantig ng pusong video mula sa YouTube channel niyang Virgelyncares 2.0:

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa.

Read also

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.35 million ang kanyang mga subscribers.

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.

Kamakailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica