Basel Manadil, nagluto at namigay ng pang-noche buena ng mga taong lansangan
- Mismong si Basel ang nagluto ng pansit bihon na ipinamigay niya sa mga taong nasa lansangan na kanyang nadaanan
- Nasa 300 na food packs ang kanyang naipamigay lalo na sa mga kababayan nating homeless at mga Pinoy na masipag na nagseserbisyo pa rin sa Bisperas ng Pasko
- Matapos niya itong lutuin, siya at ang kanyang staff ang nag-ikot para ipamahagi ang pagkain lalo na sa mga alam niyang walang panghanda para sa Noche Buena
- Masaya siyang makita na nakakakain ng maayos ang mga pamilyang nabigyan niya kahit ngayong Kapaskuhan manlang
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagluto ng isang bandehadong pansit bihon si Basel Manadil para Noche Buena ng mga taong nasa lansangan ngayong Kapaskuhan.
Nalaman ng KAMI na si Basel mismo ang naghanda ng rekado at mga lulutuin lalo na ang pansit na sinigurado niyang hindi tinipid sa sangkap.
Sa tulong ng kanyang staff, natapos nilang lutuin at balutin ang nasa 300 food packs. Naglalaman ito ng pansit, hotdog at tinapay.
Si Basel din mismo ang namahagi ng mga pagkain sa mga homeless nating kababayan.
Masaya siyang makita na ang mga walang makain ay masayang nagsasalo-salo sa kanyang naibigay na biyaya.
Maging ang mga masisipag na kababayan nating nagseserbisyo sa Bisperas ng Pasko ay kanyang napangiti sa ibinigay niyang pagkain.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng nakaaantig ng puso na video ng pagbabahagi ng biyaya ni Basel ngayong Kapaskuhan:
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa. Mayroon na siyang halos limang milyong subscribers sa YouTube.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng ilang mga branch ng YOLO Retro Diner at Yeoboseyo Korean Mart.
Kamakailan, pinaaga nito ang pasko sa mga street vendors na nadaanan lamang niya ngunit nabigyan niya ng malaking tulong na maiuuwi ng mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.
Namahagi rin siya ng biyaya sa mga security guards ng mga subdivision na hindi makapaniwala sa laki ng halaga ng perang iniabot sa kanila ni Basel.
Source: KAMI.com.gh