Reaksyon ng mga pageant fans sa pagpasok ni Beatrice Gomez sa Top 5 ng Miss U, viral

Reaksyon ng mga pageant fans sa pagpasok ni Beatrice Gomez sa Top 5 ng Miss U, viral

- Viral ang nakatutuwang reaksyon ng pageant fans habang nanonood ng Miss Universe 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Kitang-kita ang kanilang kaba habang tinatawag na ng host ang top 5 sa katatapos lamang na pageant

- Mapapansing tila nawawalan na sila ng pag-asa nang hanggang sa top 4 ay hindi pa natatawag ang pamabato ng Pilipinas

- Ngunit nang tawagin na ang 'Philippines' bilang ikalima sa pumasok sa top 5, ganoon nalamang ang hiyawan at talong ng magkakaibigan sa sobrang saya

Kinagiliwan online ang nakatutuwang reaksyon ng mga magkakaibang pageant fans habang nanonood ng katatapos lamang na Miss Universe 2021.

Sa TikTok video na ibinahagi ni @lizmargiltendez96 makikitang tutok na tutok ang magkakaibigan lalo na at iniaanunsyo na ang top 5 ng nasabing pageant.

Reaksyon ng mga pageant fans sa pagpasok ni Beatrice Gomez sa Top 5 ng Miss U, viral
Photo from @lizmargiltendez96 (TikTok)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lalo pang natuwa ang mga netizens nang mapansin nilang may sash pa talaga ang mga magkakaibigan habang nanonood.

Hindi makasalita ang mga ito na talagang pinakikinggan ang bansa na tinatawag.

Nang tawagin na ang Colombia bilang ika-apat na nakapasok sa Top 5, mapapansin na ang kaba sa mga magkakaibigan.

Ngunit nang tawagin na ang 'Philippines' bilang ikalimang nakapasok sa Top 5, halos magwala ang mga magkakaibigan at nagtatalon at nagsisigaw pa sa sobrang saya.

Narito ang kabuuan ng makulit na TikTok video:

Si Beatrice Luigi Gomez ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe Philippines 2021 pageant na ginanap sa Israel. Siya ay tubong Cebu at proud na miyembro ng LGBTQIA+ community. Bago pa man ganapin ang prestihiyosong pageant, naging maingay ang pangalan ni Beatrice sa social media dahil sa hiwalayan nila ng kanyang dating girlfriend na si Kate Jagdon.

Pinalad ang 26-anyos nating pambato na makapasok sa top 5 kung saan maging si Dra. Vicki Belo ay hinangaan siya sa kanyang naging kasagutan sa Q&A.

Samantala, bahagi rin ng nasabing pageant ang Kapuso actress na si Marian Rivera bilang isa sa mga judges.

Marami ang natuwa kay Marian nang mapanood ng publiko ang video kung saan nagawa pa niyang turuan ng kanyang dance moves ang kapwa judge na mula naman sa India na si Urvashi Rautela.

Kasama ni Marian ang kanyang mister na si Dingdong Dantes na nagsasabing ok lang siyang maging waterboy at photographer ng kanyang asawa sa pananatili nila pansamantala sa Israel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel