Tensiyon sa pagitan ng ABS-CBN crew at BBM-Sara supporters, nakuhanan ng video

Tensiyon sa pagitan ng ABS-CBN crew at BBM-Sara supporters, nakuhanan ng video

- Usap-usapan ngayon video na kuha sa ginanap na BBM-Sara caravan sa Quezon City

- Naibahagi online ang nakuhanang video ng naganap na tensiyon sa pagitan ng crew ng Kapamilya network at ng BBM-Sara supporters

- Makikita sa naturang video ang sasakyan na pagmamay-ari ng ABS-CBN na nadaanan ang mga kasali sa caravan

- May mga BBM-Sara supporters din na lumapit sa sasakyan ng ABS-CBN habang sumisigaw ng "bias"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga crew ng ABS-CBN at ng mga tagasuporta ni dating senador Bongbong Marcos sa ginanap na BBM-SARA caravan sa Quezon City.

Sa isang viral video, makikita ang pagdaan ng sasakyan na pagmamay-ari ng ABS-CBN na sinalubong ng isang grupo ng mga kasali sa caravan.

Tensiyon sa pagitan ng ABS-CBN crew at BBM-Sara supporters, nakuhanan ng video
Photo by Lisa Marie David/NurPhoto
Source: Getty Images

Maririnig ang pagsigaw ng naturang grupo ng “bias” at habang lumapit sa sasakyan ng crew.

Read also

Gf ni TJ Valderrama, usap-usapan sa kanyang tweet bago ang eviction night

Base sa naturang video, umabot lamang ng kalahating minuto ang tensyon at natapos ito ng umalis na ang sasakyan ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samanatala, nakapaglikha ng matinding traffic ang ginanap na caravan sa Quezon City. Inihingi naman ng dispensa ng kampo ni BBm ang tungkol dito ayon sa isang ulat ng Inquirer.net.

Nauna na ring kinondena ng Partido Reporma party ng presidential aspirant at Senator Panfilo "Ping" Lacson ang naturang kaganapan. Sa isang pahayag na naiulat ng ABS-CBN News, tinawag ni Partido Reporma treasurer Arnel Ty ang pansin ng Interior and Local Government Department at Commission on Elections para sa posibleng violations.

"Partido Reporma laments that in the time of pandemic, there are politicians who still subscribe to that kind of politics where common decency and basic social conventions are being swept under the rug for political expediency"

Read also

Xian Gaza, kumbinsido na umanong sikat matapos siyang ipa-billboard

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Isa sa nag-viral na video kamakailan ay ang pag-iyak ng isang bride matapos silang lokohin ng kanilang wedding coordinator. Kasunod ng pag-viral ng video niya ay bumuhos ang simpatya at may ilang mga personalidad na tumulong sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate