Virgelyn, binalikan at sinurpresa ang lolo na buwis-buhay na tumatawid ng ilog para maglako

Virgelyn, binalikan at sinurpresa ang lolo na buwis-buhay na tumatawid ng ilog para maglako

- Marami ang muling pinaluha ni Virgelyn sa pagbisita niya sa lolo na buwis-buhay na tumatawid ng ilog para magtinda

- Matatandaang sa unang pagbisita ni Virgelyn sa lolo, sumama pa ito sa munting tahanan nito na malayo pa sa binabaybay na ilog

- Binigyan ni Virgelyn ng karagdagang tulong ang lolo kabilang na rito ang damit, bota at pambili nito ng biik na kanya raw aalagaan

- Sinurpresa rin niya ito ng bangkang de motor upang hindi na maging mapanganib ang pagtawid nito ng ilog para lang magtinda at mayroon siyang makain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling binisita ni Virgelyn ang lolo na buwis-buhay na tumatawid ng ilog na minsan ay hanggang ilong na niya ang tubig makapaglako lamang para may makain.

Nalaman ng KAMI na marami pang dalang surpresa si Virgelyn sa lolo na labis na ikinatuwa nito.

Read also

Pagbabalik-tanaw nina Rob Moya at Tyronia Fowler, kinatuwa ng fans ng ToRo family

Una niyang dinala ito sa pamilihan para bilhan ito ng mga maayos na damit at bota upang hindi ito mahirapan sa paglalakad lalo na sa pagtawid sa ilog.

Virgelyn, binalikan at sinurpresa ang lolo na buwis-buhay na tumatawid ng ilog para maglako
Si Virgelyn kasama ang isang lolo na kanyang natulungan (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Sunod niya itong pinakain sa Jollibee at namangha pa ito nang makakita at makakain ng spaghetti dahil wala raw ito sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ito, nagpunta naman sila sa Atulayan beach para makapag-relax ang lolo na sobrang nag-enjoy doon.

Bago sila maghiwalay, iniabot din ni Virgelyn ang karagdagang tulong niya para sa lolo.

Hinangaan din niya ito dahil kakaunti pa lamang ang nagastos nito sa una niyang tulong pinansyal na naibigay.

Kaya naman binigyan niya ito ng pambili ng biik na kanya raw aalagaan at pambili ng bigas upang hindi na ito mamroblema sa pang-araw-araw nitong pagkain.

At ang isa pang supresa ni Virgelyn ay ang bangkang de motor na kanya nang binili para 'di na mahirapan pa ang lolo sa pagtawid nito sa ilog.

Read also

Chad Kinis, emosyonal nang isurpresa ng maayos na tirahan ang homeless college student

Narito ang kabuuan ng nakaaantig ng puso na video:

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa.

Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.35 million ang kanyang mga subscribers.

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.

Kamakailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel