Pamilyang nakatira sa sementeryo at kumakain lamang ng pagpag, natulungan ni Raffy Tulfo

Pamilyang nakatira sa sementeryo at kumakain lamang ng pagpag, natulungan ni Raffy Tulfo

- Talagang naluha ang isang ginang nang matulungan sila ni Raffy Tulfo na makauwi na lamang sa Palawan

- Nakatira lamang umano sila sa isang nitso sa sementaeryo at kapag Undas, kinakailangan nilang matulog na lamang sa labas

- Wala rin silang maayos na ikinabubuhay kaya naman nag-aabang na lamang sila ng tinapong pagkain o 'pagpag' mula sa isang Chinese restaurant

- Sa tulong ni Tulfo at ng kanyang mga anak na sina Ralph at Mar, Nakabuo sila ng Php200,000 bilang baon ng mag-anak sa bagong panimula nila sa Palawan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Walang pagsidlan ng saya ang pamilya nina Sharon Dela Rosa at Roger Nosiez nang makausap na nila si Raffy Tulfo para makahingi ng tulong.

Nalaman ng KAMI na nakatira lamang kasi ang mag-anak nina Sharon at Roger sa isang nitso sa Sementeryo.

Read also

Nagpabakuna kontra COVID-19, nagka-love life at magkasabay na sa kanilang 2nd dose

Pamilyang nakatira sa sementeryo ang kumakain lamang ng pagpag, natulungan ni Raffy Tulfo
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Wala rin umanong maayos na ikinabubuhay si Roger na nag-aabang lamang ng mga itinapong pagkain ng isang Chinese restaurant.

Kwento pa ni Sharon, ibinenta nila ang bahay at lupa sa Palawan sa pagbabakasakaling magiging maayos ang buhay nila rito sa Maynila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman ito nangyari at mas lalong naging mahirap ang kanilang kalagayan dito.

Sa tulong ni Tulfo at mga anak nitong sina Ralph at Mar, nabuo nila ang halagang Php200,000 bilang pocket money ng mag-anak pauwi ng Palawan.

Ito ay magagamit nila sa panibago nilang simula roon. Labis na nagpasalamat si Sharon at nadinig ang kanyang panalangin na matulungan sila ni Tulfo.

Sa tulong ng tiya ni Sharon, sisiguraduhin nitong masusundo ang mag-anak mula sa pier.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action:

Read also

Ethel Booba, lampas 1 million na ang YT subscribers; namahagi ng biyaya sa mga Aeta

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Sa ngayon, isa sa mga tatakbo bilang senador si Tulfo sa darating na Halalan 2022.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica