OFW, masuwerte sa amo nitong ipinaghahanda pa siya ng pagkain
- Viral ang video kung saan makikita ang isang OFW na inaasikaso ng kanya umanong amo
- Inuna pa talaga siya ng kanyang amo na ipagsandok ng pagkain
- Kung titingnan ang iba pang TikTok videos, madalas umano itong gawin ng amo na isinasama ang OFW sa pagkain na kanilang pamilya
- Marami ang natuwa sa mga video na ito at hiling nila na sana'y lahat ng ating mga kababayan na nangingibang bansa ay nakararanas ng ganito kaayos na pagtrato ng kanilang mga amo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Usap-usapan sa social media ang video ng isang kababayan nating overseas Filipino worker na inaasikaso ng kanyang amo.
Nalaman ng KAMI na sa mga video ng TikTok user na si @hamad66677, hindi lamang isang beses ipinakita kung paano nito itrato ang ating kababayan lalo na sa hapag kainan.
Sa nag-viral na video na naibahagi rin ni Ashlyn Guiapar Mato, makikita na una pa talagang ikinuha ng pagkain ng among lalaki ang OFW na kasalo rin nila ng kanyang pamilya sa pagkain.
Kapansin-pansin ang pagmamalasakit ng amo na hindi itintratong iba ang ating kababayan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Marami ang natuwa sa mga videos ni @hamad66677 lalo na at masasarap na pagkain ang inihahanda nito na siyang nakakain din ng OFW na lagi nilang kasalo.
Dahil dito, hangad ng marami na sana'y lahat ng mga amo ng ating mga kababayang nangingibang bansa ay ganoon kaayos ang trato ng kanilang mga employer.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Buti naman at mayroon tayong isang kababayan na maayos ang kalagayan. Nakakakain ng masasarap na pagkain."
"God Bless your family po. Hindi ko man po kadugo ang OFW pero nagpapasalamat ako sa amo nitong inaasikaso siya"
"Siguro mabait ay maayos din magtrabaho si Kabayan kaya naman napakabait ng kanyang amo sa kanya."
"Siya pa talaga ang inunang ikuha ng pagkain, at marami ha! Hindi siya tinipid kaya naman hindi siya magugutom"
Kamakailan, isang OFW din ang nagbahagi ng kanyang buhay sa KAMI kung saan sinabi nitong nakaswerte rin siya sa kanyang employer.
Mababait daw talaga ang mga ito at taon-taon siyang sinusurpresa sa kanyang kaarawan.
Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.
Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.
Habang ang ilan, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.
Source: KAMI.com.gh