RTIA staff, nagulat sa kabaitan ng lolo na tinulungan ni Tulfo
- Nagulat ang Raffy Tulfo in Action staff nang sabihin ng lolo na kanilang tinutulungan na paghatian nila ang perang bigay sa kanya
- Ayon kay Lolo Renato, limang libo lamang ang kanyang kailangan at ibinibigay ang Php25,000 para paghatian ng staff ni Tulfo na naghatid sa kanya ng tulong
- Bukod sa Php30,000, napatayuan din siya ng bahay ni Tulfo at ibinili pa siya ng mga grocery items
- Napadasal pa si Lolo Renato dahil sa hindi inaasahang tulong na kanyang natanggap
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagulat ang staff ng Raffy Tulfo in Action sa naging reaction ng ni Lolo Renato Olaso sa Php30,000 na bigay sa kanya ni Raffy Tulfo.
Nalaman ng KAMI na iniaabot na kasi ng staff ang pera nang sabihin ni Lolo Renato na siya ay nahihiyang tanggapin ito.
Aniya, limang libong piso raw ay sapat na sa kanya kaya naman ang natitirang Php25,000 ay inialok pa niya na paghatian ng staff ni Tulfo.
"Naku! Napakabait talaga ni Tatay Renato, inaabot na namin yung Php30K, paghatian na lang daw namin yung Php25K,"pahayag ng RTIA staff.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
At kalauna'y tinanggap din niya ang salapi. Bukod pa rito ipinagpatayo pa siya ng maayos na tirahan ni Tulgo.
Sa galak, napasambit ng dasal si Lolo Renato at maging si Raffy Tulfo ay kanyang pinasalamatan.
Source: KAMI.com.gh