Pumanaw na Jeepney driver, hindi na inabot ang college diploma ng apat na anak

Pumanaw na Jeepney driver, hindi na inabot ang college diploma ng apat na anak

- Ibinahagi ng apat na anak ng jeepney driver ang kwento kung paano sila binuhay ng ama gamit ang jeep na si "Air Jordan"

- 1997 nang mabili ng ama ang jeep at dahil Michael Jordan fan siya, 'Air Jordan' ang kanyang ipinangalan dito

- Subalit taong 2014, nagkaroon ng kamramdam ang jeepney driver na kalauna'y namayapa na

- Kaya naman labis ang panghihinayang ng kanyang mga anak na hindi na inabot ng ama ang paghahandog nila rito ng kani-kanilang college diploma

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakaantig ng puso ang ibinahaging kwento ng magkakapatid na anak ng jeepney driver na si Celso Torres.

Nalaman ng KAMI na naitaguyod ni Tatay Celso ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagmamasada kay "Air Jordan" ang kanyang nabiling jeepney noong 1997.

Pumanaw na Jeepney driver, hindi na inabot ang college diploma ng apat na anak
Pinoy Jeepney (Photo from Wikimedia Commons)

Michael Jordan fan si Tatay Celso kaya naman 'Air Jordan' ang ipinangalan niya sa naipundar na jeep na siyang gamit niya sa araw-araw na pamamasada maitaguyod lamang ang kanyang pamilya.

Read also

Tricycle driver, niregaluhan ng kanyang mga anak ng bahay, lupa at kotse

Subalit noong 2014, tinamaan ng karamdaman si Tatay Celso na kalauna'y namayapa rin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasamaang palad, hindi na niya inabot ang pagkamit ng college diploma ng kanyang apat na mga anak.

Kumuha na lamang ng driver ang naulilang pamilya para lamang maipasada pa rin si 'Air Jordan.'

Kamakailan, binisita ng mga anak ang puntod ng kanilang amang si Tatay Celso.

"Nakuha na namin 'yung diploma Ama, kumpleto na ikaw lang ang kulang," emosyonal na pahayag ng isa sa apat na anak ni Tatay Celso na si Jonarcel.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa 'On Record' ng GMA News and Public Affairs:

Kamakailan, hinangaan din ang apat na magkakapatid na anak naman ng tricycle driver Jerry Calata.

Nang makapagtapos ang kanyang mga anak dahil sa pamamasada niya ng tricycle, niregaluhan siya ng mga ito ng bonggang bahay at lupa.

Read also

Vice Ganda, napasabak sa bonggang paglalaba habang nasa Amerika

Nang magdiwang ito ng kaarawan, binigyan pa siya ng mga anak ng magarang sasakyan.

Nag-viral din ang kwento ng isang anak na niregaluhan ng isang milyong piso ang kanyang ina sa kaarawan nito.

Gayundin ang isang 17-anyos na anak na nagsikap sa pagbibenta online at pagtitinda ng mga merienda na ngayo'y nakapagpatayo na rin agad ng bahay para sa kanila ng kanyang na-stroke na ama na kasa-kasama niya sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica