Lolo, kalahating araw na nababad sa baha dahil ayaw iwan ang alagang aso
- Talagang hindi iniwan ni ng isang 71-anyos na lolo ang kanyang alagang aso sa binaha nilang lugar sa Candon, Ilocos Sur
- Pilit na raw itong isinasalba ng kanyang mga apo ngunit hindi ito bastang pumayag hangga't di kasama ang alagang aso
- Pamilya na ang turing ng lolo sa aso kaya naman ganoon na lamang ang pagmamalasakit niya rito
- Nagsalita pa ito na kahit anong mangyari, hanggang sa huling hininga niya, kasama pa rin niya ang kanyang aso
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nakuhanan ng video ang pagsasalba sa 71-anyos na lolo na si Lito Gabuat ng Barangay Ayudante Candon, Ilocos Sur.
Nalaman ng KAMI na lubog na sa baha ang bahay ng lolo kung saan kasa-kasama niya ang alagang aso.
Pilit na siyang inililikas ng kanyang mga apo ngunit ayaw nitong sumama noong una dahil ayaw nitong iwan ang alaga.
"Pamilya na ang turing ko sa aso ko, kaya kahit anong mangyari magkasama pa rin kami. Kung mamatay man ako, magkasama kami," ayon kay Lolo Lito sa panayam sa kanya ng GMA News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil dito kalahating araw na na nalubog sa baha ang matanda kasama ang kanyang aso na hindi niya talaga kayang iwan.
Nasagip sila ng ilan pang mga residente na nagtulungan sa kabila ng mataas pa ring tubig.
Agad na dinala sa rural health center ang lolo subalit inisip pa rin nito ang kalagayan ng kanyang aso na kanya pa ring isinama.
Maayos na ang kalagayan ng dalawa at nakabalik na sa kanilang tahanan nang humupa na ang tubig baha.
Sadyang may mga taong labis ang pagmamahal sa kanilang alagang aso na kung ituring nila ay para na talagang kaanak.
Hindi nalalayo ang kwento ni Lolo Lito at ng kanyang alaga sa minsan nang natulungan ni Basel Manadil na mag-anak na sinubukan niyang bilhin ang aso.
Kahit daw isang milyong piso pa ang ibigay sa pamilya na nasa kariton lamang, hindi nila magawang ipagpalit ito sa alagang aso na mahal na mahal at alagang-alaga ng kanilang anak.
Ipinapaalala ng KAMI na sa kabila ng ating kalayaan sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa rin dapat na isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Laging tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh