Anak, pinalitan ang kotse na naibenta noon ng ama para sa kanyang pag-aaral
- Niregaluhan ng anak ang kanyang ama ng bagong sasakyan para sa kaarawan nito
- Kapalit daw ito ng sasakyang binenta ng ama makabili lang ng laptop para sa kanyang pag-aaral
- Nang makapagtrabaho, sinikap niyang makabili talaga ng sasakyan para sa ama
- Kung ano-ano pa ang kanyang ginawang alibi maasikaso lamang ang surpresa niya para sa kanyang pinakamamahal na mga magulang
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang napaluha ng viral video ni Kimsen Dawinan kung saan makikita ang 'priceless reaciton' ng kanyang ama sa surpresa niya para rito.
Nalaman ng KAMI na sinikap ni Kimsen na makabili agad ng sasakyan nang siya ay magkaroon ng trabaho.
Aniya, ito ang kanyang munting handog sa ama para sa kaarawan nito.
Inalala niya kasi ang panahong nag-aaral pa lamang siya ay talagang ibinenta ng ama ang naipundar nitong kotse maibili lamang noon ng laptop si Kimsen.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kahit hindi niya ito hiningi at sinabing sa library o sa computer shop na lamang siya gagawa ng kanyang thesis, sinikap pa rin ng kanyang mga magulang na mabigyan siya ng laptop.
Kaya naman nang maiuwi na ni Kimsen ang sasakyang handog para sa ama, talagang naluha ito sa saya lalo na at alam niyang napasaya niya ang kanyang mga magulang na unti-unti na niyang sinusuklian ang mga sakripisyo nito.
Mapapanood ang kabuuan ng video sa Facebook post ni Kimsen.
Samantala, narito ang komento ng ilang netizens:
"Bigla na lang tumulo luha ko, grabe naman 'tong video na ito"
"Hindi ako prepared, grabe ang iyak ko, napayakap tuloy ako sa tatay ko"
"Napakabait naman na anak nito, inisip muna talaga ang mga magulang, God bless your family"
"Maayos na napalaki kaya naman marunong itong suklian ang paghihirap ng kanyang mga magulang."
Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang kwento ng ilang OFW na nagpapanggap na mga customer sa negosyo ng kanilang mga magulang. Ito ay para isurpresa ang mga ito matapos ang ilang taon nilang hindi pagkikita.
Sa umpisa'y hindi pa namumukhaan ng mga magulang partikular na ng mga ina ang kanilang mga anak.
Ngunit nang mapansin na nila ito, halos hindi na nila ito bitawan sa pagkakayakap dala ng pananabik na makasama muli ang mga ito.
Source: KAMI.com.gh