Manny Pacquiao, nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ni Ricky Hatton

Manny Pacquiao, nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ni Ricky Hatton

  • Pumanaw ang British boxing legend na si Ricky Hatton sa edad na 46, na nagdulot ng lungkot sa boxing community at sa milyon-milyong tagahanga sa buong mundo
  • Isa sa mga nagbigay ng pakikiramay ay si Manny Pacquiao, na minsang nakalaban ni Hatton sa isang makasaysayang laban noong 2009 kung saan nagtapos ito sa knockout victory para kay Pacquiao
  • Sa kaniyang pahayag, inalala ni Pacquiao ang kanilang laban bilang isa sa mga “unforgettable moments” sa boxing history at binigyang-diin ang respeto at sportsmanship na ipinakita ni Hatton
  • Dagdag pa ng boxing champ, ang tapang ni Hatton ay hindi lamang makikita sa ring kundi pati na rin sa kaniyang personal na buhay, dahilan upang manatili itong inspirasyon sa maraming tao

Nalungkot si Manny Pacquiao, boxing Hall of Famer at eight-division world champion, sa biglaang pagpanaw ng kaniyang dating kalaban na si Ricky Hatton, na binawian ng buhay nitong Linggo sa edad na 46.

Read also

Maine Mendoza, nagbanta ng legal action laban sa mga nag-akusa kay Arjo Atayde

Manny Pacquiao, nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ni Ricky Hatton
Manny Pacquiao, nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ni Ricky Hatton (📷Manny Pacquiao/Facebook)
Source: Facebook

Sa kaniyang opisyal na pahayag, inalala ni Pacquiao ang pagiging mahusay na mandirigma ni Hatton hindi lamang sa ring kundi maging sa labas nito. “I am deeply saddened to hear about the passing of Ricky Hatton. He was not only a great fighter inside the ring but also a brave and kind man in life,” ani Pacquiao.

Ang kanilang laban noong Mayo 2009 sa Las Vegas ay isa sa mga pinakatumatak sa kasaysayan ng boxing. Sa loob lamang ng dalawang rounds, tinuldukan ni Pacquiao ang laban matapos makapagpatama ng matinding kaliwa na nagpatumba kay Hatton. Sa kabila ng matinding pagkatalo, nanatiling maganda ang kanilang samahan at respeto sa isa’t isa.

“We shared unforgettable moments in boxing history, and I will always honor the respect and sportsmanship he showed,” dagdag pa ni Pacquiao.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinuri rin ng dating senador ang tapang ng British fighter na aniya’y lumaban hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kaniyang bansa. “Ricky fought bravely, not just in the ring, but in his journey through life. He truly had a good fight, and we are all blessed to have been part of his wonderful journey,” pahayag ng boxing legend.

Read also

Sikat na conservative activist at influencer, patay matapos barilin sa leeg habang nasa event

Si Ricky Hatton ay kilalang British boxing star na minsang tinaguriang “The Hitman.” Isa siya sa pinakapopular na boksingero sa United Kingdom, kilala sa kaniyang aggressive fighting style at malakas na suporta mula sa mga fans. Nagretiro siya noong 2012 matapos ang makulay na career na may rekord na 45 panalo at tatlong talo.

Samantala, si Manny Pacquiao naman ay kinikilalang isa sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan, kauna-unahang eight-division world champion, at isa sa pinakakilalang personalidad mula sa Pilipinas.

Kamakailan, naging usap-usapan ang masayang pagbisita nina Manny at Jinkee Pacquiao sa pamilya ng rumored girlfriend ng kanilang anak na si Jimuel Pacquiao. Ayon sa ulat, nakipag-bonding sila at nagkaroon ng masayang pagtitipon, na ikinatuwa ng mga netizens dahil ipinapakita nito na suportado ng pamilya Pacquiao ang love life ni Jimuel.

Bukod dito, naging viral din ang pagkikita nina Manny Pacquiao at ang asawa ni Donita Rose. Ibinahagi ni Donita na impressed ang kaniyang mister matapos makilala ang boxing icon, na nag-iwan ng magandang impresyon dahil sa kababaang-loob nito sa kabila ng pagiging isang sports legend.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate