Manny Pacquiao kay Boss Toyo na gustong bilhin ang kanyang sapatos: "Sparring muna tayo"

Manny Pacquiao kay Boss Toyo na gustong bilhin ang kanyang sapatos: "Sparring muna tayo"

- Binahagi ni Boss Toyo sa pamamagitan ng isang reel sa Facebook ang masayang pag-uusap nila ni dating Sen. Manny Pacquiao

- Maging ang mga boxing belt ni Manny ay tinanong niya kay Sen. Manny kung magkano daw kung bibilhin niya

- Maya-maya pa ay napansin naman niya ang suot na sapatos ni Sen. Manny na aniya ay bigay daw ni Vaness Wu sa kanya

- Hirit ni Manny, papayag daw siya pero kailangan muna daw nilang mag-sparring ni Boss Toyo

Kinaaliwan ang video na binahagi ni Boss Toyo sa kanyang Facebook page kung saan tinanong niya si Manny Pacquiao kung magkano ang sapatos na suot nito kung bibilhin niya. Bigay daw ito ni Vaness Wu kay Manny.

Manny Pacquiao kay Boss Toyo na gustong bilhin ang kanyang sapatos: "Sparring muna tayo"
Manny Pacquiao kay Boss Toyo na gustong bilhin ang kanyang sapatos: "Sparring muna tayo"
Source: Facebook

Pabiro siyang sinagot ni Manny. Tinanong niya si Boss Toyo kung gusto daw ba niya ang sapatos na suot niya dahil ani Boss Toyo ay bagay daw ito sa ipapatayo niyang museum.

Read also

Robin Padilla sa viral video nila ni Regine: "Puede kaya sa presinto na ako magpapaliwanag"

Ani Manny, sige daw basta mag-sparring muna sila. Mabilis naman ang naging sagot ni Boss Toyo na 'ayaw, ayaw.'

Maging ang mga boxing belt ni Manny ay tinanong niya kay Sen. Manny kung magkano daw kung bibilhin niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si dating Senator Manny Pacquiao ay isang kilalang kampiyon na boxer na naging senador. Siya si Emmanuel Dapidran Pacquiao sa totoong buhay. Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Kamakailan ay pinasalamatan ni Annabelle Rama sina Sen. Pacquiao at ang misis nitong si Jinkee Pacquiao. Ito ay para sa kanyang natanggap na umano ay pangkabuhayan birthday gift mula sa mag-asawa. Naiintindihan niya umano na hindi nakadalo ang mag-asawa dahil abala si Sen. Pacquiao sa exhibition fight na gaganapin sa Dec. 11, 2022. Aniya, dalangin niyang tuloy-tuloy ang swerteng dumating sa mag-asawa na aniya ay talaga namang generous.

Read also

Jamie Bautista, kinumpirmang hiwalay na sila ni Anthony Leodones

Kamakailan ay inamin umano ng retiradong referee na si Carlos Padilla ang tungkol sa cheating para umano matulungang manalo si Manny sa laban nito kay Nedal Hussein noong 2000. Aniya, sinadya niyang tagalan ang pagbibilang hanggang sampu matapos ma-knock down si Pacquiao. Sinabi niya rin na mula sa suntok ang umano'y headbutt ni Pacquiao kay Hussein. Pinalabas niya rin umano na malala ang sugat ni Hussein kaya natigil ang match at nanalo si Pacquiao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel