Robin Padilla sa viral video nila ni Regine: "Puede kaya sa presinto na ako magpapaliwanag"

Robin Padilla sa viral video nila ni Regine: "Puede kaya sa presinto na ako magpapaliwanag"

- Nagkomento maging si Sen. Robin Padilla sa naging reaksiyon ni Mariel Padilla sa video nila ni Regine Velasquez

- Binahagi niya ang post tungkol sa komento ni Mariel na naibahagi ng Fashion Pulis sa kanilang site

- Ani Robin, nakarating na daw pala sa pulis ang tungkol dito at humirit kung pwede daw sa presinto na siya magpaliwanag

- Matatandaang mismong si Mariel ang nag-share ng video na iyon sa kanyang Facebook matapos daw siya i-tag ng netizens

Nagkomento si Sen. Robin Padilla matapos i-share ni Mariel Padilla ang viral na video nila ni Regine Velasquez. Hirit niya kung pwede daw sa presinto na siya magpaliwanag.

Robin Padilla sa viral video nila ni Regine: "Puede kaya sa presinto na ako magpapaliwanag"
Robin Padilla sa viral video nila ni Regine: "Puede kaya sa presinto na ako magpapaliwanag"
Source: Facebook

Matapos nga mag-viral ang naturang video ay mismong si Mariel ang nag-share nito sa kanyang Facebook page. Aniya, marami ang nag-tag sa kanya tungkol dito kaya siya na mismo ang nag-share. Maging si Ogie Alcasid at nai-tag din ni Mariel sa kanyang post.

Read also

Solenn Heussaff, nawalan ng alagang pusa: "I believe he was stolen"

Umabot ito sa Fashion Pulis na siyang ni-repost naman ni Sen. Robin.

Naku nakarating na sa pulis. Puede kaya sa presinto na ako magpapaliwanag

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang nagbahagi ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinutukoy niyang fake account ay may handle na @marieltpadilla_. Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel