Manny at Jinkee Pacquiao, binahagi ang picture kasama si Vanness Wu ng F4

Manny at Jinkee Pacquiao, binahagi ang picture kasama si Vanness Wu ng F4

- Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang picture nila ng asawang si Manny Pacquiao kasama ang F4 member na si Vanness Wu

- Binahagi niya din ang video clip ng kanilang interaksiyon kasama ang Taiwanese-American singer-actor

- Makikita din sa video ang pag-uusap nila ni Jinkee at tila may pinapakita si Vanness sa kanyang cellpnone

- Si Vanness ang isa sa original member ng F4 kasama sina Jerry Yan, Ken Chu, at Vic Chou

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang muli ay napa-sana all sa post ni Jinkee Pacquiao kung saan binahagi niya ang pictures at video nila ng asawa kasama ang F4 member na si Vanness Wu. Base sa Instagram story ni Jinkee nagpunta silang mag-asawa sa Taiwan.

Mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, binahagi ang picture kasama si Vaness Wu
Mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, binahagi ang picture kasama si Vaness Wu
Source: Instagram

Ibinahagi din ni Jinkee ang isang video clip ng kanilang pagkikita at pag-uusap. Makikita din sa video ang pag-uusap nila ni Jinkee at tila may pinapakita si Vanness sa kanyang cellpnone.

Read also

Ogie D sa viral pic nina Barbie at Richard: "Nagkatabi lang sila for how many minutes daw"

Matatandaang taong 2001 nang mabuo ang grupong F4 na lumabas sa seryeng Meteor Garden.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si dating Senator Manny Pacquiao ay isang kilalang kampiyon na boxer na naging senador. Siya si Emmanuel Dapidran Pacquiao sa totoong buhay. Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Kamakailan ay pinasalamatan ni Annabelle Rama sina Sen. Pacquiao at ang misis nitong si Jinkee Pacquiao. Ito ay para sa kanyang natanggap na umano ay pangkabuhayan birthday gift mula sa mag-asawa. Naiintindihan niya umano na hindi nakadalo ang mag-asawa dahil abala si Sen. Pacquiao sa exhibition fight na gaganapin sa Dec. 11, 2022. Aniya, dalangin niyang tuloy-tuloy ang swerteng dumating sa mag-asawa na aniya ay talaga namang generous.

Read also

Darren Espanto, naging groomsman, wedding singer at choreographer sa kasal ni Robi Domingo

Kamakailan ay inamin umano ng retiradong referee na si Carlos Padilla ang tungkol sa cheating para umano matulungang manalo si Manny sa laban nito kay Nedal Hussein noong 2000. Aniya, sinadya niyang tagalan ang pagbibilang hanggang sampu matapos ma-knock down si Pacquiao. Sinabi niya rin na mula sa suntok ang umano'y headbutt ni Pacquiao kay Hussein. Pinalabas niya rin umano na malala ang sugat ni Hussein kaya natigil ang match at nanalo si Pacquiao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel