Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ikinasal na sa longtime GF na isang boxer din
- Ikinasal na ang 2020 Olympic bronze medalist na si Eumir Marcial sa kanyang long-time girlfriend na si Princess Galarpe
- Ginanap ito sa isang beach sa Batangas noong Oktubre 28
- Ilan sa kanilang mga naging bisita ay ng kapwa niya Olympic medalist na sina Hidilyn Diaz at Nesthy Petesio
- Laking pasasalamat ni Eumir na makalipas ang isang dekada nilang pagsasama ni Princess ay nauwi na rin ito sa kasalan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nitong Oktubre 28, ikinasal na ang 2020 Olympic bronze medalist sa larangan ng boxing na si Eumir Marcial at ang kanyang long-time girlfriend na si Princess Galarpe.
Nalaman ng KAMI na isang dekada nang magkarelasyon ang dalawa kaya naman labis ang pasasalamat ni Eumir na natuloy na ang kanilang pag-iisang dibdib.
Isa ring boxer ang kanya na ngayong misis na si Princess. Malaki rin ang naging bahagi nito sa pagkapanalo niya sa Japan Olympics dahil sa pag-aasikaso at inspirasyon na bigay nito sa kanya.
Samantala, dumalo sa pag-iisang dibdib nina Eumir at Princess si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at fiancé nitong si Coach Julius Naranjo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Present din ang isa ring boxing olympic medalist na si Nesthy Petesio at si Philippine Olympic Committee president and Tagaytay City representative na si Bambol Tolentino. Naibinahagi ang ilan nilang larawan sa mahalagang araw nina Eumir at Princess.
Ngayong araw, Oktubre 29 tuloy pa rin ang selebrasyon at kasiyahan sa mga bagong kasal dahil sa pagdiriwang naman ni Eumir ng kanyang ika-27 na kaarawan.
Ibinahagi ni Eumir sa kanyang Official Facebook page ang video ng ilang kaganapan sa kanilang kasalan.
Makikitang sumunod pa rin sa safety protocols ang mga dumalo ng kasalan na masayang-masaya para sa dalawa.
Si Eumir Marcial ay isang Filipino boxer na nagkamit ng bronze medal mula sa Tokyo 2020 Olympics.
Gayundin sina Nesthy Petecio na isang Filipina boxer na silver medal naman ang nasungkit pati na rin si Carlo Paalam na pilak na medalya rin ang naiuwi sa bansa.
Nagkaroon ng apat na medalya ang Pilipinas mula sa 2020 Tokyo Olympics kung saan nasungkit ni Hidilyn Diaz ang pinakaunang gold medal sa historical win niya sa weightlfting.
Source: KAMI.com.gh