Carlos Yulo, may ilang plano na umano sa mga matatanggap na incentives
- Isa sa nausisa ng sports reporter kay Carlos Yulo ay ang tungkol sa mga matatanggap nitong insentibo
- Matatandaang bukod sa mga bonggang properties, mayroon din itong matatanggap na limpak-limpak na salapi
- At dahil dalawa na ang maiuuwi nitong ginto sa Pilinas, inaasahang madaragdagan pa ito
- Gayunpaman, isa sa mga nabanggit ni Carlos ay ang pamamahinga muna niya sa training upang tutukan ang personal na buhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Tulad ng tanong ng karamihan, nausisa ni Dyan Castillejo si Carlos kung ano nga ba ang gagawin nito ss mga nakakalula niyang premyo.
"May mga tao na po akong kilala na tutulong po sa akin. Magma-manage po and syempre po si Ma'am Cynthia, lagi pong nandiyan mag-a-ask po ako ng mga questions kung ano po yung magandang gawin po sa money. Pero for sure, I'm gonna save it and invest for the future."
Bagama't nagpahiwatig siya na magpapahinga pansamantala upang bigyang pansin naman ang kanyang personal na buhay, tuloy ang kanyang training para naman sa susunod LA 2028 Olympics.
Samantala, narito ang kabuuan ng panayam kay Carlos Yulo mula sa ABS-CBN News:
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas. Siya ay kilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagtatanghal sa iba't ibang gymnastics competitions, partikular na sa vault at floor exercises. Si Yulo ay nagsimulang mag-train sa edad na pito at nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mag-ensayo sa Japan. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.Ngayong Agosto 4, lalaban muli sa isa pang kategorya si Yulo, kung saan umaasa ang marami na makapag-uuwi muli siya ng isa pang ginto para sa Pilipinas.
Matatandaang isa rin sa ipinagmamalaki ng Pilipinas pagdating sa pampalakasan ay si Hidilyn Diaz. Hindi nito napigilang maging emosyonal matapos niyang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021. Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Qiuyun na nakakuha ng silver at bronze naman para kay Zulfiya Chinshanlo ng Kazakhstan.
Samantala, gumulantang naman sa publiko ang naging post ng ina ni Carlos, ilang araw bago masungkit ng anak ang gold medal sa Artistic Gumnastics, Men's Floor exercises mula sa Paris Olympic Games 2024.
Source: KAMI.com.gh