Nakakatouch talaga! Ang inspiring story ni Angelo Kouame at ng pamilyang kumupkop sa kanya

Nakakatouch talaga! Ang inspiring story ni Angelo Kouame at ng pamilyang kumupkop sa kanya

- Marami ang nabilib sa galing ni Angelo Kouame nang maglaro ito sa UAAP

- Tinanghal din siya bilang Rookie of the Year sa UAAP

- Ikinuwento naman niya ang istorya sa likod ng naging pamilya niya sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakilala si Angelo “Ange” Kouame bilang player ng Ateneo de Manila University. Mula si Kouame sa Abidjan, Ivory Coast sa Africa. Maagang pumanaw ang tatay ni Kouame. Nagpunta siya sa Maynila noong 2016, matapos madiscover at ma-recruit upang subukan ang basketball sa Ateneo.

Nalaman ng KAMI sa ABS-CBN News na iniwan ni Kouame ang kanyang ina at limang kapatid upang magsikap at subukin ang buhay sa Pilipinas. Hindi rin marunong magsalita ng Ingles o Tagalog si Kouame noon, kaya nag-aral din siya sa Multiple Intelligence High School ngunit pumupunta na rin siya sa mga practice ng Ateneo Blue Eagles noon. Tuluyan ang pagpupursige ni Kouame upang makapag-adjust sa Pilipinas.

Doon nakilala ni Kouame si Marty Veloso. Habang nasa practice raw ng Ateneo Team B, kinausap ni Marty si Kouame. Naging malapit na kaibigan ang dalawa. Matapos daw ang laro ng Team B ay sinama ng pamilya Veloso si Kouame upang kumain kasama nila hanggang sa tumatambay na rin si Kouame sa kanila kapag weekend.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong una raw ay nahirapan ang pamilya dahil walang kama ang kasya para kay Kouame, kaya naman bumili sila ng bago para rito. Tinanggap naman ng mga Veloso si Kouame na parang pamilya at tinulungan siya.

“I was also homesick,” giit ni Kouame.

“But I wanted to come over here so I had to make this work. My family over here (the Velosos) have really helped me in understanding my world now,” dagdag niya pa.

Maging sa basketball daw ay tinutulungan siya ng mga ito. Nagbibigay sila ng advice kay Kouame kung paano pa mag-iimprove sa mga laro niya.

“Don’t focus on the crowd and enjoy the moment. Make it yours. Everyone has your back and get that championship. Be aggressive and control yourself, my brother,” sabi raw ni Marty kay Kouame.

Dating naiulat nga ng KAMI na nag-champion muli ang Ateneo Blue Eagles sa UAAP Season 81 Men’s Basketball. Mas naging masaya ito nang parangalan bilang Rookie of the Year si Kouame.

Ayon kay Raffy Veloso, ang tatay ng mga Veloso, iba raw talaga ang naramdaman kay Kouame.

“We have always had visitors or guests staying over, but with Ange it was different,” sabi ni Raffy.

Minsan din daw ay iniisip nila ng kanyang asawa na si Elline kung bakit nangyayari sa kanila ito o bakit sila ang kumupkop kay Kouame. Nang manalo ang Ateneo ay nakuha na raw ni Raff yang sagot.

“I guess, it is to help this boy not only with his future but also to help Ateneo win a championship,” sabi ni Raffy.

Para raw kay Kouame, nagsisilbing magulang daw talaga si Raffy at Elline para sakanya.

“They are my parents here,” sabi ni Kouame.

“I call them dad and mom,” dagdag niya pa.

Tila tuwang tuwa naman si Kouame sa mga blessings na patuloy niyang tatanggap.

“Before I came over, all I heard were negative things. But it is not true. I think this is a beautiful country. I feel blessed to have come over and experience all these things. I am thankful for all of this,” giit niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)