Chloe San Jose, Carlos at Eldrew Yulo, magkasama sa PSA Awards Night
- Dumalo sina Carlos Yulo, Chloe San Jose, at Karl Eldrew Yulo sa PSA Awards Night noong Lunes ng gabi
- Tumanggap si Carlos ng Athlete of the Year award, habang si Eldrew ay ginawaran ng special citation sa gymnastics
- Masayang binati ni Chloe si Eldrew, na ikinatuwa ng mga dumalo sa kabila ng mga isyu sa pamilya Yulo
- Marami ang pumuri sa pagiging maayos ng samahan ng tatlo, lalo na sa suportang ipinakita ni Chloe kay Eldrew
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Lunes ng gabi nang makitang magkasama sina two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose, at ang kapatid niyang si Karl Eldrew Yulo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night.
Pinarangalan si Carlos bilang Athlete of the Year dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa gymnastics, habang tumanggap naman ng special citation si Eldrew sa parehong larangan.
Sa kabila ng mga isyung kinaharap ng pamilya Yulo, partikular na ang hidwaan sa pagitan ni Carlos at ng kanilang ina, ikinatuwa ng maraming dumalo ang pagiging maayos ng samahan nina Carlos, Chloe, at Eldrew. Makikitang masayang binati ni Chloe si Eldrew at nakipag-usap nang malugod, bagay na hinangaan ng marami.
Marami ang pumuri sa kanyang pagiging maayos sa pakikitungo sa kapatid ni Carlos, na nagpakita rin ng respeto at pasasalamat sa kanya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa panayam kay Carlos pagkatapos ng seremonya, sinabi niyang proud siya sa kanyang kapatid sa natamo nitong achievement bilang gymnast.
Samantala, pinuri rin ng mga tagahanga ang muling pagsasama ng magkapatid sa isang mahalagang okasyon. Para sa kanila, ang pagkakaisa ng pamilya, kahit may mga pinagdaanang pagsubok, ay patunay ng tunay na pagmamahalan.
Si Carlos Edriel Poquiz Yulo o mas kilala bilang Caloy, ay isang kinikilalang atleta na nagsimulang sumabak sa gymnastics sa edad na pito at sumali sa pambansang koponan noong 2018.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh