Lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa pagiging ina, binalikan ng netizens

Lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa pagiging ina, binalikan ng netizens

- Binalikan ng netizens ang lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa kanyang sakripisyo bilang ina

- Ibinahagi ni Angelica kung paano niya sinantabi ang kanyang mga pangarap para sa kapakanan ng kanyang mga anak

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang post, lalo na’t naging mainit ang usapin ang tungkol sa tampuhan nila ng anak niyang si Carlos Yulo

- Naging usap-usapan din ang relasyon ni Carlos kay Chloe San Jose na posibleng may kaugnayan sa isyu

Umani ng pansin at mga reaksyon mula sa netizens ang isang lumang post ni Angelica Yulo, ina ng gymnast na si Carlos Yulo, kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at sakripisyo bilang isang ina.

Lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa pagiging ina, binalikan ng netizens
Lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa pagiging ina, binalikan ng netizens
Source: Facebook

Sa nasabing post, emosyonal niyang inilahad ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang batang ina na hindi handa ngunit buong puso ang dedikasyon para sa kanyang mga anak.

Read also

Azenith Briones, nagsalita na tungkol sa balitang dinukot siya

"Hindi ko din ginusto na maging anak ko kau but I don’t have any regrets for having you in my life," pahayag ni Angelica, na agad umani ng suporta at iba't ibang opinyon mula sa mga netizens. Ipinunto rin niya kung paano niya sinantabi ang kanyang mga personal na pangarap upang matiyak ang maayos na kinabukasan ng kanyang mga anak, siniguradong makapag-aral sila nang mabuti at hindi magkulang sa pangangailangan.

Ang post na ito ay muling binalikan ng mga netizens matapos lumabas ang isyu tungkol sa samaan ng loob si Angelica at ang kanyang anak na si Carlos Yulo, lalo na nang masangkot si Chloe San Jose, kasintahan ni Carlos, sa isyu. Nagkaroon ng sari-saring komento ang mga netizens, ang iba’y bumilib sa mga sakripisyo ni Angelica bilang ina, habang ang iba naman ay nagtatanong kung ano ang tunay na dahilan ng hidwaan sa kanilang pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Mark Andrew Yulo kay Chloe: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot"

Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang sitwasyong ito habang naghihintay ng karagdagang pahayag mula sa magkabilang panig.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.

Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate