Mark Andrew Yulo, binahagi ang screenshots ng umano'y messages ni Chloe San Jose

Mark Andrew Yulo, binahagi ang screenshots ng umano'y messages ni Chloe San Jose

- Binahagi ni Mark Andrew Yulo ang post ng gymnast coach at malapit din sa pamilya Yulo

- Ang post ay nagpapakita ng screenshots ng umano'y messages ni Chloe San Jose sa kanilang group chat

- Ayon sa post, ang pinakitang screenshots noon nila Chloe ay pawang ang mgaganda lamang at hindi yung pangbabastos umano sa ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo

- Dagdag pa niya, ito ang dahilan kung bakit umalis sa gc nila si mommy Angge

Binahagi ni Mark Andrew Yulo, ama ng sikat na gymnast na si Carlos Yulo, ang screenshots na nagpapakita umano'y mga mensahe ni Chloe San Jose mula sa kanilang group chat. Ang post ay ibinahagi ni Mark mula sa post ng isang gymnast coach na malapit din sa pamilya Yulo.

Mark Andrew Yulo, binahagi ang screenshots ng umano'y messages ni Chloe San Jose
Mark Andrew Yulo, binahagi ang screenshots ng umano'y messages ni Chloe San Jose (Photos: Mark Andrew Yulo, Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa mga screenshot, binigyang-diin ni Mark na ang ipinakita umano ni Chloe na mga mensahe noon ay pawang mga magaganda lamang, samantalang hindi nito isinama ang mga mensahe ng pang-aalipusta sa ina ni Carlos, si Angelica Yulo. Dagdag pa ni Mark, ito ang dahilan kung bakit umalis si Angelica sa kanilang group chat.

Read also

Mark Andrew Yulo kay Chloe: "Tinatawagan ko kayo ni Caloy di kayo sumasagot"

Inakusahan ni Mark si Chloe ng pagtataboy sa mga taong malapit kay Carlos at paghihiwalay sa kanila mula sa kanilang anak. Binigyang-diin din niya ang umano’y masamang impluwensya ni Chloe kay Carlos, na naging sanhi ng alitan ng mag-ina.

Sa kabila ng mga paratang, wala pang opisyal na tugon mula kina Carlos Yulo o Chloe San Jose hinggil sa ni-reshare na screenshots ni Mark Andrew Yulo. Ang mga tagasubaybay ng pamilyang Yulo ay naghihintay ng karagdagang detalye tungkol sa lumalalang alitan sa pagitan ng pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Chloe San Jose, sinagot ang komento ng ama ni Carlos Yulo

Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.

Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate