Chavit Singson sinabing na hindi na makontak ng pamilya nya si Carlos Yulo
- Ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya si Carlos Yulo
- Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo
- Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay
- Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang panayam sa media, muling nagbigay ng pahayag si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson tungkol sa kontrobersyal na sitwasyon ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at ng kaniyang pamilya. Ibinulgar ni Singson na hindi na umano makontak ng pamilya ni Yulo ang batang atleta.
Ayon kay Chavit, nakausap niya ang ina, ama, at mga kapatid ni Caloy, ngunit laking gulat niya nang malaman na wala na silang anumang komunikasyon sa kaniya. “Nakausap ko lahat sila: Nanay, Tatay, mga kapatid niya. HINDI RAW NILA MAKONTAK,” ani ni Chavit.
Matatandaang noong mga nakaraang buwan, nag-alok si Singson ng P5 milyong pabuya kay Carlos at sa kaniyang pamilya kapalit ng kanilang pagbabati-bati. Ang nasabing alok ay bahagi ng pagsisikap ni Chavit na tulungan ang pamilya Yulo na muling magkaisa matapos ang ilang mga hindi pagkakaunawaan. Subalit, sa kabila ng kaniyang inisyatibo, mukhang hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan ng pamilya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagpahayag si Chavit ng kaniyang panawagan kay Caloy, na huwag kalimutan ang pamilya sa kabila ng kaniyang tagumpay sa larangan ng sports. “So, nakikiusap ako kay Caloy. CALOY, PAMILYA MO MUNA DAHIL WALA KA NAMAN DIYAN KUNG HINDI DAHIL SA KANILA,” idiniin ni Chavit, na umaasang makikinig si Caloy sa kaniyang mensahe.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.
Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh