Chloe San Jose, sinagot si Xian Gaza sa post nito tungkol sa occupational therapist ni Carlos Yulo

Chloe San Jose, sinagot si Xian Gaza sa post nito tungkol sa occupational therapist ni Carlos Yulo

- Sinagot ni Chloe San Jose ang paratang ni Xian Gaza tungkol sa umano’y pagseselos niya kay Hazel Calawod

- Ayon kay Gaza, hindi raw pinapayagan ni Chloe si Carlos Yulo na i-post ang kanyang coaching team dahil sa takot na masapawan

- Pinabulaanan ni Chloe ang tsismis at iginiit na magkaibigan sila ni Hazel, na tinawag niyang "Loafie"

- Kasama si Chloe sa pag-uwi ngayong araw ni Carlos kasabay ng iba pang atletang Pilipino na lumahok sa Olympics

Naging usap-usapan online ang post ni Xian Gaza na may kinalaman sa relasyon nina Chloe San Jose, ang kasintahan ni Carlos Yulo, at ang occupational therapist ng gymnast na si Hazel Calawod. Ayon sa post ni Gaza, sinabi umano ng isang "very reliable source" na hindi pinapayagan ni Chloe si Carlos na i-post ang kanyang coaching team, partikular na si Hazel, dahil umano sa takot na masapawan.

Read also

Sports Occupational therapist ni Carlos Yulo, nagpasalamat sa pagbuhos ng pagbati at suporta

Chloe San Jose, sinagot si Xian Gaza sa post nito tungkol sa occupational therapist ni Carlos Yulo
Chloe San Jose, sinagot si Xian Gaza sa post nito tungkol sa occupational therapist ni Carlos Yulo
Source: Facebook

Ani Gaza, tanging mga larawan nina Chloe at Carlos ang madalas na i-upload ni Caloy sa kanyang social media, na nagdulot ng espekulasyon na nagseselos si Chloe.

Matapos mag-viral ang post, sinagot ni Chloe ang isyu sa kanyang social media account. Pinabulaanan niya ang mga paratang at iginiit na walang katotohanan ang mga tsismis na ikinakalat ni Gaza.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Chloe, wala siyang dahilan para magselos at maayos ang kanilang relasyon ni Coach Hazel. Binigyang-diin niya na sila ni Hazel ay magkaibigan.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Kylie Padilla, nag-react sa hirit ni Xian Gaza tungkol sa 'nagingialam sa buhay'

Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.

Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate