Xian Gaza, nagbahagi ng payo tungkol sa pagpili ng partner

Xian Gaza, nagbahagi ng payo tungkol sa pagpili ng partner

- Nagbahagi si Xian Gaza ng payo tungkol sa pagpili ng partner, na nakatuon sa tamang pakikitungo sa biyenan

- Ayon kay Gaza, mas mainam piliin ang partner na magpapaliwanag sa ina kung bakit siya mali kaysa makikipagtalo

- Nagpayo din siya na lumayo na lang nang tahimik kung hindi maayos ang relasyon sa ina

- Ipinunto ni Gaza na mahalaga ang pagpili ng kapayapaan kaysa patunayan ang sarili, lalo na kung ang asawa ay isang kilalang personalidad

Nagbigay ng mahalagang payo si Xian Gaza tungkol sa tamang pagpili ng partner, lalo na pagdating sa relasyon sa mga biyenan. Ayon kay Gaza, hindi dapat piliin ang isang partner na makikipagtalo sa iyong ina para lamang mapatunayan na tama siya.

Xian Gaza, nagbahagi ng payo tungkol sa pagpili ng partner
Xian Gaza, nagbahagi ng payo tungkol sa pagpili ng partner
Source: Facebook

Sa halip, mas mainam na piliin ang isang partner na magpapaliwanag sa ina kung bakit siya nagkamali hanggang sa magkaayos kayo. Aniya, ang tamang partner ay mamamagitan sa halip na makikipaglaban. Ipinunto rin niya na sa tuwing may alitan ang magbiyenan, ang mental health ng anak ang naapektuhan, kaya't mas magandang piliin ang kapayapaan kaysa patunayan ang sarili.

Read also

Carlos Yulo, sunod na paghahandaan ang LA 2028 Olympics

Dagdag pa ni Gaza, kung talagang may diperensya ang ina at malabo nang maayos ang sitwasyon, mas mabuting lumayo na lamang ng tahimik. Pinaalala rin niya na wala nang magagawa dahil hindi mapipili ang mga magulang ngunit maaaring piliin ang partner.

Binigyang-diin din ni Gaza na kahit pa gaano kasama ang ugali ng ina, ito pa rin ang nanay ng asawa. Sinabi niyang mas mabuting umiwas na lang sa negatibong enerhiya ng biyenan upang maging masagana ang pagsasama.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.

Read also

Angelica Yulo, kinumpirma ang tampo sa anak pero masaya para sa tagumpay nito

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: