Golden State Warriors, NBA Champions muli matapos talunin ang Boston Celtics

Golden State Warriors, NBA Champions muli matapos talunin ang Boston Celtics

- Napanalunan ng Golden State Warriors ang 2022 NBA Championship nang talunin nila ang Boston Celtics sa score na 103-90

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Si Steph Curry ang nanguna sa Warriors with 34 points, 7 rebounds, at 2 steals

- Pumangalawa si Andrew Wiggins with 18 points, 4 steals, at blocks

- Nanalo rin ng kanyang unang Finals MVP si Steph Curry, na mayroon na ngayong 4 NBA Championships

Nakuha ng Golden State Warriors ang kanilang 4th NBA Championship in eight years nang talunin nila ang Boston Celtics sa score na 103-90 sa Game 6 ng kanilang NBA Finals Series.

Steph Curry (Gretchen Ho)
Steph Curry (Gretchen Ho)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nanguna muli si Steph Curry sa Warriors with 34 points, 7 rebounds, at 2 steals. 6 of 11 din ang kaniyang 3-point field goal shooting.

Read also

Rob Moya, na-touch daw sa "Loyals vs. Cheaters" na meme

Pumangalawa sa kanya si Andrew Wiggins with 18 points, 4 steals, at blocks. Malaki rin ang naitulong ni Draymond Green with 12 points, 12 rebounds at 8 assists.

Para sa natalong Celtics, nanguna si Jaylen Brown with 34 points at pumangalawa si Al Horford with 19 points and 14 rebounds.

Nanalo rin ng kanyang unang Finals MVP si Steph Curry, na mayroon na ngayong 4 NBA Championships.

Si Steph Curry ang kinikilalang greatest shooter sa history ng NBA. Siya ang point guard ng Golden State Warriors, kung saan nanalo na siya ng tatlong NBA championships. May isang regular season MVP award din si Steph. Sina Klay Thompson at Draymond Green ang kanyang mga kasama sa nasabing kupunan.

Tangi sa NBA Finals 2022, may iba pang mga exciting reports ang KAMI ukol sa pinaka prestigious na basketball league sa buong mundo.

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang Filipino artist na gumawa ng malupet na charcoal painting ng greatest NBA star of all-time na si Michael Jordan. Maaari raw pumalo ng 40 million pesos ang artwork na ito ni Christian Talampas.

Nag-trending din ang photo ng Filipina host na si Gretchen Ho kasama ang Golden State Warriors superstar na si Steph Curry. Nag-react si Gretchen matapos siyang akusahan na “groupie” ng nasabing player. Sinabi ni Gretchen: “Geez. When you take fan photos with NBA players, why do people immediately assume something happened. I have gotten this so many times. Pwede ba.”

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta