NBA Finals 2022: Golden State Warriors, 3-2 na ang lamang sa Boston Celtics

NBA Finals 2022: Golden State Warriors, 3-2 na ang lamang sa Boston Celtics

- Nanalo ang Golden State Warriors sa Game 5 ng NBA Finals series nila kontra Boston Celtics

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- 3-2 na ang lamang ng Warriors sa Celtics at isang laro na lang ang kailangan ng Golden State upang mapanalunan ang championship

- Si Andrew Wiggins ang nanguna sa Golden State with 26 points at 13 rebounds

- Si Jayson Tatum naman ang nanguna sa Boston with 27 points, 10 rebounds and four assists

Lumamang na ang Golden State Warriors ng 3-2 laban sa Boston Celtics sa Best of Seven NBA Finals series nila.

Tinalo ng Warriors ang Celtics sa Game 5 sa Chase Center sa San Francisco.

Steph Curry (Gretchen Ho)
Steph Curry (Gretchen Ho)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

PNP Danao sa SUV driver na umano'y nanagasa sa sekyu: "Baka gumagamit ka"

Isang laro na lang ang kailangan ng Warriors upang mapanalunan ang championship – na kung sakali ay kanilang pang-apat na championship in eight years.

Nanguna si Andrew Wiggins sa Golden State with 26 points at 13 rebounds, at pumangalawa si Klay Thompson with 21 points.

Nanlamig sa three points si Steph Curry sa Game 5 at 0-9 siya from the three-point range. Bagamat wala siyang three point shots, naka 16 points pa rin si Curry.

Para naman sa natalong Celtics, nanguna si Jayson Tatum with 27 points, 10 rebounds and four assists.

Si Steph Curry ang kinikilalang greatest shooter sa history ng NBA. Siya ang point guard ng Golden State Warriors, kung saan nanalo na siya ng tatlong NBA championships. May isang regular season MVP award din si Steph. Sina Klay Thompson at Draymond Green ang kanyang mga kasama sa nasabing kupunan.

Bukod sa NBA Finals 2022, may iba pang mga exciting reports ang KAMI ukol sa pinaka prestigious na basketball league sa buong mundo.

Read also

Vice Ganda, binahagi ang kanyang bag raid kay Kelsey Merritt

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang Filipino artist na gumawa ng malupet na charcoal painting ng greatest NBA star of all-time na si Michael Jordan. Maaari raw pumalo ng 40 million pesos ang artwork na ito ni Christian Talampas.

Nag-trending din ang photo ng Filipina host na si Gretchen Ho kasama ang Golden State Warriors superstar na si Steph Curry. Nag-react si Gretchen matapos siyang akusahan na “groupie” ng nasabing player. Sinabi ni Gretchen: “Geez. When you take fan photos with NBA players, why do people immediately assume something happened. I have gotten this so many times. Pwede ba.”

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta