NBA Finals 2022: Celtics, tinalo ang Warriors sa Game 3; Steph Curry, na-injure

NBA Finals 2022: Celtics, tinalo ang Warriors sa Game 3; Steph Curry, na-injure

- Tinalo ng Boston Celtics ang Golden State Warriors sa score na 116-100 sa Game 3 ng NBA Finals 2022

- 2-1 na ang lamang ng Boston kontra Golden State sa Best of Seven series nila

- Sina Jaylen Brown, Jayson Tatum at Marcus Smart ang nanguna sa Boston

- Muling nanguna si Steph Curry sa Golden State with 31 points ngunit tila na-injure ang kanyang paa sa 4th quarter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa Game 3 ng NBA Finals 2022, tinalo ng Boston Celtics ang Golden State Warriors sa score na 116-100. Dahil sa panalo nilang ito, 2-1 na ang lamang ng Boston sa Best of Seven series nila.

Nanguna si Boston sina Jaylen Brown with 27 points, Jayson Tatum with 26 points, at Marcus Smart with 24 points.

Para naman sa Golden State, muling nanguna si Steph Curry with 31 points ngunit tila na-injure ang kanyang paa sa 4th quarter. Sa Huwebes pa malalaman kung makakalaro sa next game si Steph.

Read also

Lolit Solis on Robin Padilla & Kris Aquino’s friendship: “beyond politics”

NBA Finals 2022: Celtics, tinalo ang Warriors sa Game 3; Steph Curry, na-injure
Steph Curry and Gretchen Ho (Gretchen Ho)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang highlights ng Game 3 ng NBA Finals 2022, kung saan tinalo ng Boston Celtics ang Golden State Warriors:

Tangi sa NBA Finals 2022, may iba pang mga exciting reports ang KAMI ukol sa pinaka prestigious na basketball league sa buong mundo.

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang Filipino artist na gumawa ng malupet na charcoal painting ng greatest NBA star of all-time na si Michael Jordan. Maaari raw pumalo ng 40 million pesos ang artwork na ito ni Christian Talampas.

Nag-trending din ang photo ng Filipina host na si Gretchen Ho kasama ang Golden State Warriors superstar na si Steph Curry. Nag-react si Gretchen matapos siyang akusahan na “groupie” ng nasabing player. Sinabi ni Gretchen: “Geez. When you take fan photos with NBA players, why do people immediately assume something happened. I have gotten this so many times. Pwede ba.”

Si Steph Curry ang kinikilalang greatest shooter sa history ng NBA. Siya ang point guard ng Golden State Warriors, kung saan nanalo na siya ng tatlong NBA championships. May isang regular season MVP award din si Steph. Sina Klay Thompson at Draymond Green ang kanyang mga kasama sa nasabing kupunan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel