Aby Maraño, hiling na maging totoong masaya siya sa taong 2022
-Matapos magbahagi ng post ang basketbolistang si Robert Bolick kaugnay sa kanyang engagement, umani ito ng mga reaksiyon mula sa mga netizens
- Gayunpaman, wala nang sinabi pa si Aby Maraño tungkol dito bagkus ay nais na lamang niyang maging masaya sa taong 2022
- Aniya, sa kanyang pinagdaanang dagok sa taong 2021, nagpapasalamat siya sa mga taong sumuporta at nagpakita ng pagmamahal sa kanya
- Si Aby aang nakilalang naging karelasyon ni Bolick sa loob ng walong taon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Positibo ang mensaheng ibinahagi ni Aby Maraño sa gitna ng ingay ng engagement ng kanyang dating karelasyon, ang basketbolistang si Robert Bolick. Wala itong binaggit na negatibo kaugnay sa dating karelasyon.
Sa kanyang post, aniya ang taong 2021 ay puno ng pagsubok, pagkabigo at sakit para sa kanya. Gayunpaman, pinagpapasalamat niya sa Panginoon ang lahat ng biyayang kanyang natanggap niya. Maging sa mga taong sumuporta sa kanya, mnagpasalamat siya.
2021 has overwhelmed me with so much twists and turns — so much challenging moments, road blocks, unexpected turn of events, heartaches and frustrations. But im still grateful for all the blessings that God has showered me and the unwavering support of my people, my circle. Thankful that God used them as an instrument to make me feel His unconditional love. Absolutely, i am blessed.
Anuman ang kanyang pinagdaanan, hindi siya nawalan ng pag-asa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa gitna ng madugong giyera ng taon mayroong napulot na mga aral, pagmamahal at mga tawa na nagsilbing pag-asa para hindi malupig at madurog.
Aniya, nais niyang maging totoong masaya ngayong taon.
Now is the time to write a new chapter filled with love and hope. Year 2022 is the year to be genuinely happy. Manifest.
Ang ex-boyfriend ni Aby na si Robert Lee E. Bolick Jr. ay isang Filipino professional basketball player na naglalaro sa koponang NorthPort Batang Pier ng Philippine Basketball Association. Naging manlalaro sin siya ng San Beda Red Lions sa National Collegiate Athletic Association. Siya ay naglalaro bilang point guard at shooting guard position.
Matatandaang naging usap-usapan din ang paglabas ng balitang ikinasal na ang basketbolistang si Scottie Thompson dahil marami ang nabigla na ikinasal ito sa ibang babae. Bago lumabas ang balita tungkol sa kanyang pagpapakasal ay ang kanyang long-time girlfriend na si Pau Fajardo ang alam ng publiko na kanyang papakasalan matapos nilang ma-engaged.
Source: KAMI.com.gh