Robert Bolick, trending matapos mag-post ng kanyang "vacation picture"
- Marami sa mga basketball fans ang nagulantang sa social media post ni Robert Bolick
- Hindi kasi ang kanyang longtime girlfriend na si Aby Maraño ang kanyang kasama sa kanyang bakasyon
- Lalong naging trending ang isyu nang maging si Aby ay nagkomento sa kanyang post na tila walang kaalam-alam sa nangyari
- Walong taon nang magkarelasyon sina Robert at Aby kaya marami sa mga basketball fans ang nagulat sa mga post ng basketbolista
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Mainit na pinag-uusapan sa social media ang basketbolistang si Robert Bolick at ang kasintahan nitong si Aby Maraño matapos mapansin ng mga netizens at basketbal fans ang social media posts ng basketbolista.
Sa isang post ay napa-comment pa si Aby na tila walang kaalam-alam sa nangyari.
"Solid naman ng vacation nyo. Hindi ko alam may bago ka na?"
Walong taon nang magkarelasyon sina Robert at Aby kaya marami sa mga basketball fans ang nagulat sa mga post ng basketbolista.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi naman napigilan ng volleyball player na si Ara Galang ang mag-react. Karamihan sa mga netizens ay nagpahayag ng kanilang suporta kay Aby.
Si Robert Lee E. Bolick Jr. ay isang Filipino professional basketball player na naglalaro sa koponang NorthPort Batang Pier ng Philippine Basketball Association. Naging manlalaro sin siya ng San Beda Red Lions sa National Collegiate Athletic Association. Siya ay naglalaro bilang point guard at shooting guard position.
Matatandaang naging usap-usapan din ang paglabas ng balitang ikinasal na ang basketbolistang si Scottie Thompson dahil marami ang nabigla na ikinasal ito sa ibang babae. Bago lumabas ang balita tungkol sa kanyang pagpapakasal ay ang kanyang long-time girlfrieng na si Pau Fajardo ang alam ng publiko na kanyang papakasalan matapos nilang ma-engaged.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh