Mommy Dionisia, gusto nang patigilin si Sen. Manny Pacquiao sa pagboboksing
- Maluwag na tinanggap ni Mommy Dionisia ang pagkatalo ng anak sa laban nito sa Cuban champion boxer na si Yordenis Ugas
- Aniya, natural lamang sa isang laban na may nananalo at natatalo at nagkataon na natalo ang anak
- Kakausapin daw niya ang anak na magretiro na ito sa pagboboksing kagaya ng kanyang naging pahayag noong nakaraang laban ng senador
- Nauna naman nang nabanggit ni Sen. Pacquiao na magbibigay siya ng pahayag hinggil sa kanyang desisyon kung magreretiro na siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Maluwag na natanggap ni Mommy Dionisia ang pagkatalo ng anak na si Sen. Manny Pacquiao sa Cuban champion boxer na si Yordenis Ugas.
Matapos niyang malaman ang tungkol sa naging kinalabasan ng match ng kanyang anak, mahinahon si Mommy Dionisia at sinabing natural sa isang laban ang may nananalo at natatalo.
Sa nasabing boxing match na naganap nitong Sabado ng gabi (tanghali ng Linggo sa Pilipinas) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada, nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision si Ugas laban sa Pambansang Kamao.
Napanatili nito ang WBA super welterweight title niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Para sa ina ni Manny, dapat na siyang magretiro kagaya ng kanyang naging payo sa anak kahit noong mga nakaraang laban niya.
Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang.
Pinagtuunan niya ng dedikasyon at atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga maituturing na pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.
Kamakailan ay pinagdiwang ni Jinkee ang kanyang ika-42 na kaarawan sa Batangas. Ikinatakot ng maybahay ni Manny ang sorpresang inihanda para sa kaarawan niya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh