Nesthy Petecio, gold medal sana ang nais ihandog sa kanyang coach na kapatid ni Onyok Velasco
- Emosyonal si Nesthy Petecio nang sabihing gintong medalya sana ang nais niyang ihandog kay coach Nolito “Boy” Velasco
- Silver medal ang nasungkit ni Nesthy na ikalawang medalyang nakamit ng Pilipinas mula sa Tokyo 2020 Olympics
- 'Di man nakuha ang ginto, malaki pa rin ang pasasalamat niyang siya ay ligtas gayundin ang kanyang nakalaban
- Pumalo na sa Php17 million ang matatanggap ni Nesthy sa karangalang naibigay niya sa bansa sa larangan ng women's boxing
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa pinakaunang panayam kay Nesthy Petecio mula nang makuha niya ang silver medal sa women's featherweight ng Tokyo 2020 Olympics, hindi nito napigilang maging emosyonal.
Nalaman ng KAMI na agad na nagpagasalamat si Nesthy sa kanyang kaligtasan matapos ang laban.
"Sobrang blessed ako, sobrang thankful ako kay Lord po kasi hindi niya ako pinabayaan sa taas ng ring, dalawa kami ng kalaban ko."
Nabanggit din niya na isang karangalan para sa kanya na maging kinatawan siya ng Pilipinas sa Olympics.
Labis din umano ang kanyang panghihinayag sa hindi pagkakasungkit ng gintong medalya na kanya sanang iaalay sa kanyang mga coach lalo na kay Nolito "Boy" Velasco na kapatid ng isa ring silver medalist sa Olympics sa larangan ng boxing na si Onyok Velasco.
"Iaalay ko sana yung... Gusto ko sanang ialay yung gold kay coach Nolito po," naiiyak na nabanggit ni Nesthy.
Gayunpaman, ginawa pa rin umano ni Nesthy ang lahat ng makakaya niya para maiuwi sana ang ginto subalit napunta pa rin ito sa pambato ng Japan na si Sena Irie.
Narito ang kabuuan ng panayam ni Nesthy na ibinahagi ni Paolo Del Rosario sa kanyang Twitter:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Nesthy Alcayde Petecio ay isang 29-anyos na Filipina boxer na nakilala nang makuha nito ang gintong medalya sa 2019 AIBA Women's World Boxing Championships. Mula Enero ng 2015, tinagurian siyang number 2 sa Women's 57 kg. category sa Amateur International Boxing Association.
Hulyo 31 nang matalo ni Nesthy ang pambato ng Italy na siyang naging daan upang umabante siya sa Finals. Marami ang naniwala kay Nesthy na kaya nitong makuha ang gintong medalya kabilang na rito ang kauna-unahang Olympic Gold Medlast na si Hidilyn Diaz.
Dahil sa pagkapanalo ng silver medal ni Nesthy, hindi naman bababa sa Php17 million ang kanyang maaring matanggap.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh