Hidilyn Diaz, todo ang suporta kay Eumir Marcial; "Go for gold!"
- Nagpakita ng suporta ang Olympic Gold medalist na si Hidilyn Diaz sa Pinoy Boxer na si Eumir Marcial
- Ito ay matapos na umabante ni Eumir sa finals na maari pang maging ginto ang garantisado na niyang bronze medal
- Sa isang video, binati ni Hidilyn si Eumir sa pagkapanalo nito laban kay Arman Darchinyan ng Armenia
- Sa Agosto 5, makakaharap ni Eumir ang Ukrainian world champion na si Oleksandr Khyzhniak para sa inaasahan ng lahat na isa pa muling gintong medalya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahit nakauwi na ng Pilipinas, todo pa rin ang suporta ni Hidilyn Diaz sa mga kapwa atleta na patuloy na lumalaban sa Tokyo 2020 Olympics.
Sa kanyang Facebook post, makikita ang paghanga niya sa husay ng Pinoy boxer na si Eumir Marcial na tinalo ang pambato ng Armenia na si Arman Darchinyan.
Dahil dito, garantisado na ang bronze medal ni Eumir ngunit maari pa ring mabago ang kanyang kapalaran kung maipanalo niya ang kanyang boxing match sa kampeonato ng Ukraine na si Oleksandr Khyzhniak sa Agosto 5.
Dahil dito, full support si Hidilyn kay Eumir at sinabing kaya nitong maiuwi ang isa pang gintong medalya ng Pilipinas.
"Go Eumir, Congratulations... Go for gold! Go Team Pilipinas. Kaya natin ito, hindi tayo susuko. Laban lang Pilipinas!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.
Bukod sa gold medal na nakuha niya sa women's 55 kilogram category sa Tokyo 2020 Olympics, matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.
Sa ngayon, umabot na sa Php43.5 million ang matatanggap niyang pabuya bukod pa sa mga ari-arian at free flights dahil sa pagsungkit niya ng pinakaunang ginto para sa Pilipinas mula sa Olympics.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh