Hidilyn Diaz, nagpa-tattoo ng 'Olympic Rings' sa kanyang braso

Hidilyn Diaz, nagpa-tattoo ng 'Olympic Rings' sa kanyang braso

- Nagpa-tattoo ng Olympic rings sa kanyang braso ang gold medalist na si Hidilyn Diaz

- Ibinahagi ng tattoo shop ang ipinagawa ng pinakaunang Olympic gold medalist sa bansa

- Makikita na rin ito sa video ng pagpapakita niya ng suporta sa boxer na si Eumir Marcial

- Natuwa naman ang mga netizens sa pinagawa ni Hidilyn na tulad niya, hindi na mabubura sa kasaysayan ang nagawa niyang karangalan sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpagawa ng tattoo sa braso ang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz.

Nalaman ng KAMI na 'all smiles' si Hidilyn sa camera kung saan makikita ang logo ng Olympics na kanyang ipina-tattoo.

Hidilyn Diaz, nagpa-tattoo ng 'Olympic Rings' sa kanyang braso
Photo credit: Hidilyn Diaz
Source: Facebook

Ang tattoo shop na Fiftyfive Tinta Pilipinas ang nagbahagi ng larawan ni Hidilyn at maging sila ay super proud sa nakamit ng Pinay.

"Olympic level tattoo for an Olympian. Done by @neiltanaleon. Congrats @hidilyndiaz!!" ang caption ng post ng 55 Tinta.

Read also

Hidilyn Diaz, naikwentong nagalit umano ang China team sa isang coach niyang Chinese

Maging ang mga netizens ay namangha sa tattoo ni Hidilyn. Inihalintulad din nila ang tattoo sa nagawang karangalan ni Hidilyn sa bansa na hindi na mabubura sa kasaysayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Bukod sa gold medal na nakuha niya sa women's 55 kilogram category sa Tokyo 2020 Olympics, matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.

Sa ngayon, umabot na sa Php43.5 million ang matatanngap niyang pabuya bukod pa sa mga ari-arian at free flights dahil sa pagsungkit niya ng pinakaunang ginto para sa Pilipinas mula sa Olympics.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica