Kwento ng pagsisikap ni Hidilyn Diaz, umani ng papuri mula sa mga netizens
- Hindi naging madali ang pinagdaanan ng Olympics Gold medalist na si Hidilyn Diaz bago niya nakamit ang tagumpay
- Kaya naman, hindi nakakapagtakang emosyonal ito nang mapagtantong nakuha niya ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa Olympic Games
- Matatandaang sa naunang pahayag niya noong naglaro siya sa SEA Games na goal niyang maiuwi ang gold medal sa Tokyo 2020 Olympics
- Umani ng pagbati at papuri ang Pinay athlete dahil sa pinamalas niyang determinasyon para makamit ang kanyang pangarap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kasunod ng kanyang pagkakapanalo ng Gold medal sa weightlifting competition sa Olympic Games, bumuhos ang pagbati para kay Hidilyn Diaz.
Lumabas na rin ang kwento ng kanyang pagpupursige para sa kanyang minimithing Olympics gold medal para sa bansa.
Matatandaang umabot siya sa panawagan sa social media para humingi ng tulong para sa kanyang paghahada para sa kanyang laban sa Olympics.
Noong 2008 ay hindi ganoon kaganda ang naging laro niya sa 2008 Summer Olympics. Gayunpaman, pinatunayan niyang sa pagsisikap at kanyang determinasyon ay makakamit niya ang mailapna ginto sa Olympics na 97 na taong pinakahihintay ng mga Pinoy.
Muling binalikan ng mga netizens ang kanyang naging journey mula noong una siyang sumabak sa weightlifting sa edad na 17.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.
Matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang paghingi ni Hidilyn ng suporta para sa kanyang training para sa 2020 Olympics.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh