Mayor Vico Sotto, ipinagmalaki ang mababang presyo at kalidad ng “Pasig Go Bag”
- Mayor Vico Sotto ibinahagi sa Facebook ang halaga at kalidad ng “Pasig Go Bag”
- Ipinagmalaki niyang nakuha ng LGU ang bawat bag sa halagang mas mababa sa ₱1,000
- Tiniyak ni Sotto na de kalidad ang mga item at sapat para sa bawat kabahayan sa Pasig
- Inanyayahan niya ang publiko na manood ng State of the City Address 2025 sa Oktubre 13
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang Facebook page ang update tungkol sa “Pasig Go Bag”, isang proyekto ng lokal na pamahalaan na layong tulungan ang bawat pamilya sa panahon ng sakuna o emerhensiya. Sa kanyang post nitong Oktubre 12, ipinagmalaki ng alkalde na mababa ngunit de kalidad ang nabiling Go Bag ng lungsod.

Source: Facebook
“Kung bilhin natin sa labas, malamang nasa ₱2,000+ para ireplicate ang laman ng ‘PASIG GO BAG’... Pero alam niyo ba na nakuha ito ng LGU sa presyong LESS THAN 1,000 (₱992 kung tama ang pagkakaalala ko) per PASIG GO BAG lang??” ani ni Mayor Vico.
Ayon sa alkalde, bagaman mababa ang presyo ng naturang bag, hindi raw ito nangangahulugan ng mababang kalidad. Aniya, ininspeksyon niya mismo ang mga materyales at nasiyahan sa resulta.
“Nung na-award ito sa winning bidder, kinabahan ako sa totoo lang kasi baka may balak silang subukan kung makakalusot ang low-quality. Pero nakita naman natin na mula sa ✂ hanggang sa 🔦 de kalidad ang nag-deliver,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil sa maayos na implementasyon ng proyekto, naging posible para sa LGU na makapagbigay ng isang Go Bag sa bawat kabahayan sa Pasig, pati na rin sa mga paaralan at mga public utility vehicles tulad ng mga TODA.
“Kaya kinaya natin ang 1 Go Bag per household, may sobra para sa schools, PUVs kasama TODA, at iba pa,” ani Sotto.
Sa pagtatapos ng kanyang post, ipinahayag ni Mayor Vico ang kanyang patuloy na paniniwala sa reforma at tapat na pamamahala.
“Madugo man ang laban para sa mga reporma, tiwala lang at patatagin pa natin ang mga nasimulan na. The future is bright for Pasig City ☀️ SEE YOU TOMORROW (Oct 13) AT THE STATE OF THE CITY ADDRESS 2025,” sabi ng alkalde.
Ayon sa anunsyo, magiging live sa Facebook ang kanyang State of the City Address sa Oktubre 13, 2025, alas-3 ng hapon, kung saan inaasahan niyang ibabahagi ang mga bagong proyekto at tagumpay ng Pasig sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Si Vico Sotto ay anak ng mga kilalang personalidad na sina Vic Sotto at Coney Reyes, ngunit mas nakilala siya bilang isa sa mga pinakabatang mayor na nagsulong ng good governance at transparency sa lokal na pamahalaan. Simula nang maupo bilang alkalde noong 2019, paulit-ulit siyang kinilala ng publiko sa kanyang malinaw na pamamalakad, anti-corruption initiatives, at mga programang tunay na kapaki-pakinabang sa mga Pasigueño.
Sa ilalim ng kanyang liderato, patuloy na ipinapakita ni Mayor Vico na posible ang maayos na serbisyo publiko nang walang bahid ng politika — bagay na nagdulot sa kanya ng respeto mula sa iba’t ibang sektor.
Sa ulat ng KAMI, ipinahayag ni Danica Sotto-Pingris ang kanyang paghanga sa kapatid na si Mayor Vico, na aniya ay tunay na inspirasyon sa pagiging tapat na lingkod-bayan. Ayon kay Danica, nakikita niya kay Vico ang dedikasyon na maglingkod ng walang halong pagpapaimbabaw — isang bagay na ipinagmamalaki ng kanilang pamilya.
Samantala, naging viral din ang reaksyon ni Kakai Bautista matapos mapanood ang isa sa mga proyekto ng Pasig LGU. Ayon sa aktres, humanga siya sa inisyatibo ni Mayor Vico at sinabing sana’y tularan ng ibang lokal na pamahalaan ang ganitong uri ng malasakit sa mamamayan. Maraming netizens din ang sumang-ayon at nagpahayag ng suporta sa liderato ni Sotto.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh