Bahay ni FPRRD sa Davao, usap-usapan muli matapos matanggal ang ‘for sale’ sign
- Naging usap-usapan sa social media ang muling pagkakakitaan sa bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City matapos mapansing wala na ang “for sale” sign
- Ayon sa mga ulat, nitong Linggo ay natanggal na ang tarpaulin at contact number na dati’y naka-display sa gate ng bahay na ibinenta umano ni Honeylet Avanceña
- Naunang kinumpirma ni Avanceña na ibinebenta ang bahay dahil siya na lamang ang tumitira at dumadalaw rito simula nang iwan ito ng pamilya matapos ang hindi tinukoy na pangyayari
- Hanggang sa kasalukuyan, wala pang pahayag mula sa mga anak ni Duterte ukol sa dahilan kung bakit tinanggal ang karatula o kung naibenta na ba talaga ang bahay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Muling napag-usapan sa social media ang dating tahanan ng pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City matapos mapansing tinanggal na ang “for sale” na karatula na dati’y nakasabit sa gate nito.

Source: Facebook
Ayon sa ilang ulat at mga larawan na kumalat online, wala na umano ang tarpaulin na naglalaman ng contact details para sa mga interesadong bumili ng bahay.
Matatandaan na nitong Sabado, Hunyo 28, 2025, kinumpirma ng common-law wife ni Duterte na si Honeylet Avanceña na ibinebenta na nila ang bahay. Sa pahayag ni Avanceña, emosyonal niyang ibinahagi na siya na lamang ang nagpabalik-balik sa bahay kaya napagdesisyunan na nilang ibenta ito.
“Masakit sa dibdib ko every time I go inside. Ako na lang ang pumapasok diyan. May apat na katulong pero walang amo. We abandoned it after what happened,” pahayag niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Subalit, hindi malinaw sa publiko kung ang pagtanggal ng karatula ay nangangahulugang naibenta na ang bahay o kung iniurong na nila ang plano nitong ipagbili. Hanggang sa ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag mula sa mga anak ni Duterte na sina Vice President Sara Duterte, Davao 1st District Representative Paolo Duterte, at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte tungkol sa isyu.
Maging ang mga netizens ay hati ang opinyon. May ilan na nagsabing baka may bumili na, habang ang iba nama’y nagsuspetsa kung may pagbabagong plano sa tahanan ng dating presidente. Nananatiling palaisipan sa publiko kung ano ang tunay na estado ng bahay na minsang naging matahimik na tahanan ng pinuno ng bansa.
Si Rodrigo Roa Duterte ay naging ika-16 na Pangulo ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022. Kilala siya sa kanyang matapang na pananalita at mahigpit na kampanya kontra kriminalidad at droga. Bago siya naging pangulo, nagsilbi siya ng ilang dekada bilang alkalde ng Davao City. Pagkatapos ng kanyang termino, mas pinili niya ang simpleng pamumuhay sa Davao, malayo sa spotlight ng pambansang politika.
Ipinakita ng direktor na si Darryl Yap ang kanyang patuloy na paghanga sa dating Pangulo Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng pagbati sa kanya sa social media noong kaarawan nito. Sa kanyang post, tinawag niya si Duterte bilang “Ama ng Sambayanan.” Inilarawan din niya ito bilang pinuno na “hindi kailanman iniwan ang bayan.”
Sa isang madamdaming post sa social media, ibinahagi ni Kitty Duterte ang mensaheng iniwan ng kanyang ama para sa kanya, kay Honeylet Avanceña, at sa kanyang mga kapatid. Hindi man detalyado ang laman ng mensahe, damang-dama ang emosyon ng mag-ama. Naging patunay rin ito na sa kabila ng mga isyu, nananatiling buo ang kanilang ugnayan bilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh