Ging Reyes, nadismaya kay Sol Aragones matapos nitong iendorso si Rodante Marcoleta
-Ipinahayag ni dating ABS-CBN News head Ging Reyes ang pagkadismaya sa pagkakaugnay ni Sol Aragones kay Rep. Rodante Marcoleta
-Nakunan ng litrato si Aragones na itinaas ang kamay ni Marcoleta sa isang campaign event sa Laguna
-Si Marcoleta ay isa sa mga mambabatas na tumutol sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN noong 2020
-Sa gitna ng paggunita ng ika-limang anibersaryo ng shutdown ng ABS-CBN, sariwang bumalik ang sakit para sa mga Kapamilya, ayon kay Reyes
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi napigilang ipahayag ng dating ABS-CBN News and Current Affairs head na si Ging Reyes ang kanyang pagkadismaya matapos makita ang litrato ng dati niyang reporter na si Sol Aragones na itinaas ang kamay ng SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, isa sa mga mambabatas na tumutol sa pagbabalik ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.

Source: Facebook
Ang naturang larawan ay unang ipinost ng satirist na si The Professional Heckler sa X (dating Twitter), kalakip ang matinding puna kay Aragones. “Hindi ka ba nandiring itaas ang kamay ng taong nasa forefront ng pagputol sa renewal ng franchise ng mother network mo? Ang bilis makalimot ng pulitiko ‘no?” ani The Professional Heckler. Mabilis itong ni-repost ni Reyes sa kanyang Facebook page, sabay banggit sa bigat ng buwang ito para sa mga Kapamilya.
“The month of May is always eventful. More so this year, with the upcoming elections. For me and thousands of Kapamilya, marking [five] years since ABS-CBN’s broadcast shutdown brings back painful memories. That wound was deep. Apparently, not for everyone,” saad ni Reyes.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa comments section ng post ni Reyes, may ilang nagtanggol kay Aragones, kabilang na si Bryan Guarnes, na ayon sa kanya ay dating ABS-CBN employee rin. “I saw her break down in tears. I saw her lose sleep night after night,” aniya. Binigyang-diin niyang malaki ang naging kontribusyon ni Sol sa paglaban para sa prangkisa ng ABS-CBN noon. Dagdag pa niya, “She didn’t just speak in Congress—she fought with heart, with truth, with loyalty.”
Ayon pa kay Guarnes, wala umanong kinikilingan si Aragones sa politika basta’t makakatulong ito sa mga Lagunense. “I understand Sol Aragones. Because sometimes, fighting for what’s right takes on many forms. And sometimes… healing begins with understanding,” aniya.
Gayunman, hindi ito ikinatuwa ni dating ABS-CBN reporter na si Niko Baua, na mas piniling ituon ang kanyang pahayag sa usaping accountability. “I prefer leaders who choose to value accountability and fighting for injustice,” tugon niya.
Noong Mayo 2020, itinigil ng ABS-CBN ang kanilang broadcast operations matapos ipag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpapasara bunsod ng pagkakabigo ng network na makakuha ng panibagong prangkisa. Sa botong 70-11 ng House Committee on Legislative Franchises, ibinasura ang aplikasyon ng ABS-CBN na ma-renew ang kanilang franchise, isang hakbang na mariing tinutulan ng maraming mamamayan at organisasyon sa media.
Isa sa mga pinaka-vocal na tumutol ay si Rep. Rodante Marcoleta, na ngayo’y tumatakbo sa Senado. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng matinding dagok hindi lamang sa mga empleyado ng network kundi pati na rin sa mga manonood at tagasuporta nito sa buong bansa.
Sa isang panayam, nilinaw ni Vice Ganda na hanggang ngayon ay wala pa ring prangkisa ang ABS-CBN, sa kabila ng mga espekulasyon. Bagama’t patuloy pa rin ang operasyon ng network sa pamamagitan ng online at cable platforms, hindi pa rin ito nakakabalik sa free TV broadcasting.
Sa isang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos, sinabi niyang bukas siya sa posibilidad ng panibagong prangkisa para sa ABS-CBN basta’t sundin lamang nito ang mga proseso ng batas. Ayon sa kanya, hindi siya kontra sa pagbabalik ng operasyon ng media network basta’t ito ay legal at nararapa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh