Paolo Duterte, inireklamo ng alleged na pananakit at pagbabanta sa isang pub

Paolo Duterte, inireklamo ng alleged na pananakit at pagbabanta sa isang pub

-Isang businessman ang nagsampa ng reklamo laban kay Rep. Paolo Duterte sa DOJ

-Nangyari umano ang insidente sa Hearsay Gastropub sa Davao City bandang alas-3 ng madaling araw

-Nakuhanan pa ng video si Duterte na tila nananakit at nakikipagkonpron-tasyon sa isang lalaki

-Umani ng mga komento ang naturang video na kasalukuyang sentro ng usap-usapan sa social media

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagulat ang marami matapos kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na may inihaing reklamong kriminal laban kay Davao City 1st District Representative Paolo Duterte.

Paolo Duterte, inireklamo ng pananakit at pagbabanta sa isang pub sa Davao
Paolo Duterte, inireklamo ng pananakit at pagbabanta sa isang pub sa Davao (📷ABS-CBN News)
Source: Facebook

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, isang complaint para sa physical injuries at grave threats ang natanggap ng DOJ Manila nitong Biyernes, kaugnay ng diumano’y insidente sa Hearsay Gastropub sa Davao City.

Sa reklamo, tinukoy ng complainant na si Kristone John Patria, 37-anyos na negosyante at residente rin ng Davao City, na inatake siya umano ni Duterte bandang alas-3 ng madaling araw noong Pebrero 23, 2025. Lumutang pa ang isang video na nagpapakita umano kay Rep. Duterte habang pumapasok sa bar at kinokonspronta ang isang lalaki, na ayon sa mga ulat ay si Patria nga.

Read also

Rita Daniela sa 'not guilty plea ni Archie Alemania: "I know my truth"

Binahagi sa post ng abogadong si Jesus Falcis ang sworn affidavit umano ng nagreklamo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang sinumpaang salaysay na isinumite sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinabi ni Kristone John Patria y Moreno, 37, na inatake at tinangkang saksakin siya ni Duterte sa loob ng Hearsay Gastropub sa Barangay Obrero, Davao City, dakong alas-3 ng madaling araw noong Pebrero 23, 2025.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag si Rep. Duterte hinggil sa reklamo, subalit naging usap-usapan na sa social media ang naturang video. Sa kabila ng kontrobersiya.

Si Paolo Duterte ay panganay na anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Isa siyang kongresista mula sa unang distrito ng Davao City at dating Vice Mayor ng lungsod. Matagal na siyang nasa mata ng publiko at hindi bago sa kontrobersiya, kabilang na rito ang pagkakadawit sa mga isyu tulad ng umano’y P6-bilyong dr*g shipment noong 2017, bagama’t wala siyang kinaharap na kaso kaugnay nito.

Read also

Claudine Barretto, posibleng gumanap bilang "Inday Sara" sa bagong pelikula ni Darryl Yap

Kilalang pribado si Duterte pagdating sa ilang aspeto ng kanyang buhay, kabilang na ang kanyang mga tattoo na naging usap-usapan sa isang Senate hearing. Sa kabila nito, aktibo siya sa larangan ng serbisyo publiko at madalas ding magpahayag ng suporta sa kanyang ama at kapatid na si VP Sara Duterte.

Noong ika-28 ng Marso 2025, naglabas si Paolo Duterte ng isang nakakaantig na mensahe para sa kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagdiriwang ng ika-80 kaarawan nito. Sa pamamagitan ng social media, ipinahayag niya ang pasasalamat at pagmamahal sa kanyang ama, at sinabing: “You’ve taught me how to be brave in this world”. Naging emosyonal ang naturang post at umani ito ng suporta mula sa mga netizens.

Noong 2019, naging mainit ding paksa si Paolo Duterte matapos ipakita ni VP Sara Duterte ang tattoo ng kanyang kapatid sa gitna ng isyu ng privacy. Sa isang media interaction, tila hindi sinasadyang ipakita ni Sara ang likod ni Paolo na may tattoo, na naging sentro ng spekulasyon noong iniugnay siya sa Chinese triad. Gayunpaman, nanindigan si Paolo na wala siyang obligasyong ipaliwanag ito sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate