Vico Sotto, kibit-balikat sa akusasyon ni Ian Sia sa kanya

Vico Sotto, kibit-balikat sa akusasyon ni Ian Sia sa kanya

- Inakusahan ni Ian Sia si Mayor Vico Sotto ng pagpapalaganap ng joke tungkol sa mga solo parent bilang isang pambansang isyu

- Ipinagtanggol ni Mayor Sotto ang sarili, sinabi niyang ang tao na ang magsasabi ng totoo

- Nanatili ang focus ni Sotto sa trabaho at hindi sa mga isyu ng oposisyon

- Inutusan ng Comelec si Sia na magpaliwanag sa loob ng tatlong araw dahil sa umano’y diskriminatoryong pahayag

Ipinagkibit-balikat ni Pasig Mayor Vico Sotto noong Sabado ang mga akusasyon na siya at ang kanyang team ang may kinalaman sa pagpapalaganap ng biro ni Ian Sia tungkol sa mga solo parent na naging isyu sa buong bansa.

Vico Sotto, kibit-balikat sa akusasyon ni Ian Sia sa kanya
Vico Sotto, kibit-balikat sa akusasyon ni Ian Sia sa kanya 📷 Vico Sotto/Facebook)
Source: Instagram

Ayon kay Sotto, ang tao na ang magsasabi ng totoo at hindi na niya ito pinapansin. “Alam naman po siguro ng tao kung ano ang totoo. Tao na po ang magsasabi,” ani Sotto sa gilid ng isang kampanya.

Sabi pa ni Sotto, mas importante ang magpokus sa trabaho at hindi sa mga isyung hindi naman nakatutok sa serbisyo publiko. "Ang importante, focus tayo sa kung ano ang ginagawa natin, lalo na ako, nakaupo," dagdag pa niya.

Read also

Angelu de Leon, umalma sa joke ni Ian Sia ukol sa mga single mom

Binigyan ng Comelec ng tatlong araw si Sia upang magpaliwanag tungkol sa biro niyang "joke for solo parents" at kung bakit hindi siya dapat ma-disqualify mula sa halalan dahil sa mga salitang lumalabag sa patakaran laban sa diskriminasyon laban sa kababaihan at ibang sektor ng lipunan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang inulan ng batikos mula kay congressional aspirant Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto kamakailan kaugnay sa umano’y kabiguang tuparin ang mga pangakong proyekto ng imprastruktura sa lungsod, sa kabila ng anim na taon nitong panunungkulan.

Sa isang matapang na talumpati sa caucus meeting na ginanap sa Barangay Bagong Ilog, diretsahang tinuligsa ni Sia si Sotto, na aniya’y bigong magpatayo ng mga pangunahing pasilidad gaya ng paaralan, pabahay, at ospital.

“Tatlong taon ang ginugol ninyo sa pandemya, naiintindihan naming lahat ‘yan. Pero ngayon, tapos na ang pandemya—asan na po ang mga ipinangakong proyekto?” tanong ni Sia. “Wala po kayong nagawa, pero sasabihin ninyo na marami na kayong naitulong? Hindi ho ako mananahimik.”

Read also

Atty. Christian Sia, humingi ng paumanhin sa kanyang ‘single mom joke’

Si Vico Sotto ay isang kilalang politiko at kasalukuyang alkalde ng Pasig City. Bilang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, lumaki siya sa ilalim ng matinding pansin ng publiko. Bago pumasok sa politika, nagturo siya ng agham panlipunan sa Arellano University at nagtamo ng Bachelor's degree sa Political Science at Master's degree sa Public Management mula sa Ateneo de Manila University. Pumasok siya sa politika noong 2016 nang mahalal bilang konsehal ng Pasig bilang isang independent candidate. Noong 2019, nahalal siyang alkalde ng Pasig at muling nahalal noong 2022. Kilalang-kilala siya sa kanyang mga reporma sa gobyerno at mga inisyatibang nakatuon sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko

Noong Marso 27, 2025, hindi dumalo ang kalaban ni Mayor Vico Sotto sa isang Peace Covenant signing sa Sta. Clara de Montefalco Parish. Bilang tugon, nag-abot ng kamay si Sotto sa hangin bilang simbolo ng pagkakasunduan.

Sa isang pampulitikang pagtitipon, ipinakilala ni Vic Sotto ang kanyang anak na si Mayor Vico Sotto bilang "ang susunod na presidente ng Pilipinas," na ikinatuwa ng mga dumalo at naging usap-usapan sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: