Atty. Christian Sia, humingi ng paumanhin sa kanyang ‘single mom joke’
- Humingi ng paumanhin si Atty. Christian Sia sa publiko kaugnay ng kanyang biro tungkol sa mga single mom
- Ipinaliwanag niya na layunin lamang niyang pukawin ang atensyon ng mga naiinip na tagapakinig sa rally
- Sinabi niya na hindi raw ipinakita sa video ang reaksyon ng mga taong tumawa sa kanyang sinabi
- Umani ng matinding batikos online ang kandidato matapos lumaganap ang video ng kanyang pahayag
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Humingi ng paumanhin si Atty. Christian Sia, kandidato sa pagka-kongresista ng Pasig, kaugnay ng kanyang kontrobersyal na biro tungkol sa mga single mom na naging viral sa social media.

Source: Facebook
Sa gitna ng sunud-sunod na caucus meetings para sa nalalapit na halalan sa Mayo 2025, isa si Sia sa mga kandidato na nasangkot sa isyu. Sa isang campaign rally, nagbiro ang abogado-politiko na taon-taon, maaaring makitulog sa kanya ang mga single mom na may buwanang dalaw pa at malulungkot. Dagdag pa niya, puwedeng magpalista ang mga interesado sa mesa sa gilid. Bagama’t tinawanan umano ito ng mga nasa event, umani ito ng matinding batikos online.
Paliwanag ni Atty. Sia, biro lamang ang kanyang pahayag at wala itong malisya, lalo’t siya ay may asawa na. Gayunpaman, hindi ito tinanggap ng marami sa online community na naniniwalang hindi dapat ginagawang katatawanan ang mga single parent.
Sa panayam ng ABS-CBN News, iginiit ni Sia na dapat ay hindi siya ang sisihin kundi ang uploader ng video na umano’y hindi ipinakita ang buong pangyayari. Ani niya, “Wag po kayo magalit sakin, magalit po kayo sa gumawa ng video… Ang nakita lang sa video yung sinabi, pero yung reaksyon ng tao, hindi nakita na tumawa, yun lang ang purpose ng joke.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Paliwanag pa niya, layunin lamang niyang pukawin ang atensyon ng mga taong naiinip na sa haba ng programa. “Yung mga tao naiinip, na ayaw na makinig, so ginugulat ko lang ng joke para mapukaw ang atensyon,” dagdag niya.
Humingi ng tawad ang tumatakbong kandidato sa Pasig city na si Atty. Christian Sia matapos mag-viral ang kanyang biro sa mga solo parent.
Inamin ni Sia na mali ang napiling biro sa pangangampanya at nangakong hindi na mauulit ang naging pahayag.
Sa huli, humingi ng paumanhin si Atty. Sia sa mga na-offend sa kanyang biro. Aniya, wala siyang intensyong mambastos o manlait ng mga single parent at nauunawaan niya ang naging epekto ng kanyang sinabi.
Patuloy ang pag-usbong ng mga isyu sa mga kandidato ngayong papalapit na ang halalan. Sa kabila nito, nananatili si Atty. Sia sa kanyang kandidatura sa pagka-kongresista sa lungsod ng Pasig.
Si Atty. Christian "Ian" De Guzman Sia ay isang abogado at dating konsehal ng Lungsod ng Pasig. Noong Oktubre 8, 2024, naghain siya ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang independenteng kandidato para sa pagka-kongresista ng Pasig sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025.
Isa sa kanyang pangunahing adhikain ay ang paghahati ng Pasig City sa dalawang distrito upang makakuha ng mas malaking alokasyon mula sa pambansang pamahalaan.
Bukod sa kanyang karera sa politika, si Sia ay may-ari ng isang prangkisa ng Mang Inasal sa Pasig, kung saan ang mga hindi nagamit na pagkain ay ipinapamahagi sa mga nangangailangang residente. Bilang isang abogado mula pa noong 2005, nagbibigay rin siya ng libreng legal na tulong sa mga indigenteng Pasigueño bilang bahagi ng kanyang adbokasiya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh