Honeylet Avanceña at Kitty Duterte, bigong makabisita kay FPRRD
- Dumating sa The Hague, Netherlands noong Marso 26 sina Honeylet Avanceña at Veronica “Kitty” Duterte upang dalawin si dating Pangulong Rodrigo Duterte
- Hindi pa rin pinapayagan ang mag-ina na bisitahin si Duterte bago ang kanyang ika-80 kaarawan sa Marso 28
- Ayon kay Atty. Karen Jimeno, tanging defense counsel at si Vice President Sara Duterte lamang ang may pahintulot na dumalaw sa dating pangulo
- Nakadetine si Duterte sa detention facility ng ICC habang nililitis kaugnay ng crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang war on drvgs
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Dumating na kahapon, Marso 26, sa The Hague, Netherlands ang mag-inang Honeylet Avanceña at Veronica “Kitty” Duterte upang dalawin si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila pinapayagang bumisita. Magdiriwang ng kanyang ika-80 kaarawan si Duterte sa Marso 28, ngunit tila malabo pang makita ng kanyang pamilya ang dating pangulo bago ang espesyal na araw.

Source: Youtube
Ayon sa ulat ni Atty. Karen Jimeno, anchor ng programang “At The Forefront” sa Bilyonaryo News Channel, wala pang clearance upang bisitahin si Duterte. “As of today [March 27] hindi pa rin sila pinapayagan, wala pa silang clearance to visit the [former] President, both Honeylet and Kitty,” pahayag ni Jimeno sa panayam ni Korina Sanchez-Roxas.
Sa ngayon, tanging defense counsel lamang ng dating pangulo at si Vice President Sara Duterte ang pinapayagang makadalaw sa kanya. Nakadetine si Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague habang nililitis kaugnay ng mga akusasyong crimes against humanity na nag-ugat sa kanyang kontrobersyal na war on drǓgs.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Patuloy pa rin ang pag-asang makakakuha ng pahintulot ang mag-ina upang makasama si Duterte sa kanyang nalalapit na kaarawan. Gayunpaman, nananatili ang limitasyon sa mga bumibisita, habang patuloy na sinusunod ng ICC ang mahigpit nitong protocol sa pagdinig ng kaso ng dating pangulo.
Matatandaang kinuwestyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang legalidad ng kanyang pag-aresto ng mga awtoridad na kumikilos base sa warrant mula sa ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity.
Ipinakita sa isang video na in-upload ng kanyang anak na si Veronica sa social media na tinatanong ni Duterte ang mga awtoridad sa Villamor Air Base ukol sa batayan ng kanyang pag-aresto matapos niyang lumapag sa NAIA mula sa Hong Kong.

Read also
Ice Seguerra, humingi ng tulong sa NAIA dahil sa nawawalang bagay sa loob ng bagahe ng asawa
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon
Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh