Juan Ponce Enrile, pinuna ang mga umano'y sangkot sa inhustisya na ngayo'y nananawagan ng hustisya

Juan Ponce Enrile, pinuna ang mga umano'y sangkot sa inhustisya na ngayo'y nananawagan ng hustisya

- Pinuna ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang mga umano’y sangkot sa inhustisya na ngayo’y nananawagan ng hustisya

- Sinabi niyang kabalintunaan na ang mga dating tinawag ang Diyos na “stupid” ay ngayon humihingi ng tulong sa pamamagitan ng prayer rallies

Binanggit niya na sinisisi ng mga ito ang iba sa kanilang paghihirap sa halip na akuin ang kanilang pagkakamali

Iginiit ni Enrile na ang kanilang sitwasyon ay bunga ng kanilang sariling pagkakamali at ito ay isang trahedyang maling kalkulasyon

Binatikos ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang mga taong umano’y sangkot sa inhustisya na ngayo’y desperadong nananawagan ng hustisya. Sa isang matapang na pahayag, sinabi ni Enrile, "What a pathetic and ghastly irony! Those who allegedly committed unwarranted and violently acts of injustice are now drowning and gasping for justice."

Juan Ponce Enrile, pinuna ang mga umano'y sangkot sa inhustisya na ngayo'y nananawagan ng hustisya
Juan Ponce Enrile, pinuna ang mga umano'y sangkot sa inhustisya na ngayo'y nananawagan ng hustisya (📷Juan Ponce Enrile/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Enrile, tila isang malaking kabalintunaan na ang mga taong minsang tinawag ang Diyos na “stupid” ay ngayon ay nagkakandarapang humingi ng tulong sa pamamagitan ng mga pambansang prayer rally. "In their desperate distress, they grasp at straws for help and called for widespread national prayer rallies to a God they called 'STUPID!!!'" pahayag ng 100-anyos na opisyal.

Read also

Kris Aquino, inedit ang naunang post: Nagpaalam sa dalawang bata na mahal na mahal niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, sinisisi umano ng mga ito ang halos lahat, maliban sa kanilang sarili, sa mga suliraning kanilang kinakaharap ngayon. "They blame nearly everyone else--except themselves--for their miseries which they themselves created because of their lust, arrogance, hubris, and hunger for power and pelf," ani Enrile. Pinuna rin niya ang desperasyon ng mga ito na humanap ng suporta upang makawala sa legal na pagkakabitag na sila mismo ang humukay.

"They now claw for whatever support and sympathy and support they could muster to extricate themselves from a the tight legal trap that they themselves dug for themselves. Karma!! Abra cadabra!! What a tragic miscalculation.!!!" pagtatapos ni Enrile, na tila nagpapahiwatig ng kanyang paniniwala na ang nangyayari ngayon sa mga ito ay bunga ng kanilang sariling pagkakamali.

Sa gitna ng umiinit na isyu, muling pinaalalahanan ni Enrile ang publiko na ang hustisya ay laging nagtatagumpay sa tamang panahon, at walang sinuman ang makakatakas sa batas ng karma.

Read also

VP Sara, ibinihagi ang mensahe ng kanyang amang si FPRRD sa kanilang supporters

Si Juan Ponce Enrile ay isang beteranong politiko, abogado, at dating opisyal ng gobyerno sa Pilipinas. Ipinanganak noong Pebrero 14, 1924, si Enrile ay kilala sa kanyang mahaba at makulay na karera sa politika na tumagal ng mahigit pitong dekada. Siya ay naglingkod bilang Senador ng maraming termino at naging Senate President mula 2008 hanggang 2013.

Si Enrile ay isa rin sa mga pangunahing personalidad noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kung saan nagsilbi siyang Secretary of National Defense. Bagama't isa sa mga arkitekto ng Martial Law, naging bahagi rin siya ng EDSA People Power Revolution noong 1986, na nagresulta sa pagpapatalsik kay Marcos.

Matatandaang nakatanggap ng matinding puna si Vice Ganda mula kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile. Tinawag ni Enrile na “salacious” at bastos ang komedyante sa kanyang programa sa radyo sa SMNI News noong 2023. Ayon kay Enrile, nasubaybayan niya ang pag-angat ng kasikatan ni Vice Ganda ngunit hindi siya sang-ayon sa istilo ng komedya nito.

Read also

Final viewing ng 'Luxx White' Frontrow headquarters, agaw eksena online

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile noong Martes na ang mga kinakaharap na problemang legal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay walang kaugnayan sa mga batas ng Pilipinas at hindi dapat isisi sa pamahalaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate