Sen. Bong Go, ibinahagi ang video ng pananghalian ni FPRRD sa loob ng eroplano
- Ibinahagi ni Senador Bong Go ang isang video kung saan makikitang kumakain si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng eroplano at tinanong kung may Coke ngunit sinagot siyang juice lang ang meron
- Maraming tagasuporta ang nagkomento sa video at nagpahayag ng pagmamahal at suporta para kay Duterte sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon niya
- Sinabi ng anak ni FPRRD na si Kitty Duterte na sapilitang dinala ang kanyang ama patungong The Hague at tinawag itong pang-aapi at pag-uusig
- Pansamantalang huminto sa Dubai ang eroplanong sinasakyan ni Duterte kung saan siya ay nabigyan ng medikal na atensyon bago lumipad patungong Netherlands
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ni Senador Bong Go ang isang video kung saan makikitang kumakain si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng isang eroplano. Sa naturang video, tinanong ni Duterte kung may Coke, ngunit sinagot siya ng isa sa kanyang mga kasama na juice lang ang meron.

Source: Facebook
Maraming tagasuporta ng dating pangulo ang agad na nagkomento sa post ni Senador Go, nagpapahayag ng kanilang pagmamahal at suporta. Isa sa mga nagkomento ay nagsabing, "Tay kain ng marami at magpahinga ha para po lalakas po kayo. Lord, tulungan mo po si Tatay Digong namin 🙏 mahal na mahal ka naming mga OFW, Tay." Samantala, may isa pang netizen na nagkomento, "Stay strong po Tatay 👊👊👊🙏 nakakadurog ng puso na ganyan ginawa sa'yo." Isa pang tagasuporta ang nagpahayag ng panalangin para sa dating pangulo, "Patuloy akong nagdarasal para sa kaligtasan mo, Sir Pres. Duterte."
Sa gitna ng mga pangyayaring ito, sinabi ng anak ni FPRRD na si Kitty Duterte na sapilitang dinala ang kanyang ama patungong The Hague. Ayon sa kanyang pahayag, hindi raw ito isang anyo ng hustisya kundi isang malinaw na pang-aapi at pag-uusig. Samantala, ayon sa mga ulat, pansamantalang huminto ang eroplanong sinasakyan ng dating pangulo sa Dubai, kung saan siya ay nabigyan ng medikal na atensyon bago tumulak patungong Netherlands.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Nagsampa ng petisyon si Veronica “Kitty” Duterte sa Korte Suprema upang hilingin ang pagbabalik sa Pilipinas ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin ng International Criminal Court (ICC). Sinabi ni Atty. Salvador Panelo na ang petisyon para sa writ of habeas corpus ay naglalayong pilitin ang gobyerno na ibalik ang dating pangulo at papanagutin ito sa umano’y paglabag sa kanyang mga karapatan.
Ibinahagi ni Arnold Clavio ang itsura ng detention facility sa The Hague kung saan dadalhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi niyang malinis, ligtas, at may sapat na pasilidad ang lugar para sa mga detenido ngunit hindi ito isang luxury hotel. May sariling break room ang detenido na may maliit na mesa, twin-sized bed, palikuran, at may access sa meeting room para sa mga abogado.
Source: KAMI.com.gh