Harry Roque: 'Pugante ako sa Kongreso lamang, wala po akong pakialam'
- Matapang na hinarap ni Atty. Harry Roque ang arrest warrant ng Kamara matapos siyang ma-contempt
- Tinawag niyang "power tripping" ang aksyon ng mga kongresista na nagsisiyasat sa POGO operations
- Hindi siya dumalo sa pagdinig at hindi nagsumite ng mga dokumento tungkol sa yaman ng kanyang pamilya
- Ipinahayag ni Roque na iligal ang arrest order at kanyang kukuwestiyunin ito sa Korte Suprema
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Palaban ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa harap ng arrest warrant na inilabas ng Quad Committee ng Kamara de Representantes matapos siyang ma-cite in contempt dahil sa hindi pagsusumite ng mga dokumento kaugnay sa yaman ng pamilya nila.
"Power tripping" daw ang aksyon ng mga kongresista na miyembro ng apat na komiteng nagsasagawa ng imbestigasyon sa ilegal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGO). Sinabi niya ito sa pamamagitan ng isang live video.
Iginiit nyang hindi siya isang "pugante" at walang nilabag na batas. "Pugante ako sa Kongreso lamang, wala po akong pakialam. Kung ako ay na-cite in contempt of Congress, ang Kongreso naman ay cited in contempt of the people of the Philippines," aniya.
Dagdag pa ni Roque, hindi tama ang ginagawang "pasigaw-sigaw" at mabilis na pag-contempt kapag hindi nila nagugustuhan ang sagot ng isang resource person.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nitong nakaraang linggo, nagpasa ng contempt order ang Quad Committee laban kay Roque matapos hindi ito dumalo sa pagdinig at hindi isumite ang mga hinihinging dokumento na magbibigay-linaw sa biglaang paglago ng yaman ng kanyang pamilya. Ayon sa komite, mula sa P124,000 noong 2014, lumobo sa P67.7 milyon ang kita ng Biancham Holdings and Trading, na pagmamay-ari ni Roque.
Diniin niyang hindi niya isusuko ang kanyang kalayaan habang hinihintay ang desisyon ng pinakamataas na hukuman.
Si Harry Roque ay isang Filipino lawyer at isang dating college professor. Itinalaga siyang Palace spokesperson noong 2017 at umalis noong 2018. Taong 2020 nang muli siyang ibinalik sa pagiging spokesperson.
Matatandaang binahagi ni Aiko Melendez ang isang maiksing teaser para sa kanyang video na ibabahagi sa kanyang YouTube channel. Para sa kanyang Lie Detector Challenge, guest niya si Harry Roque na kontrobersiyal kamakailan dahil sa ilang maiinit na isyu. Tinanong ni Aiko si Secretary Roque kaugnay sa kontrobersiyal na panayam ng news anchor na nag-trending sa social media.
Buong tapang na sinagot ni Roque ang mga katanungan ni Aiko kaugnay sa ilang mainit na isyu. Tinawanan lamang niya ang isyu tungkol sa nag-trending na hair flip ni Pinky Webb noong kinakapanayam nito si Roque. Nang tanungin naman kung naniniwala siya sa kakayahan ng bise presidenteng si Leny Robredo, inamin niyang hindi.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh