Police Col. Espenido, sinabing 20K ang reward sa bawat mapapatay sa drug war
- Sinabi ni Police Colonel Jovie Espenido na may quota at pabuya sa ilalim ng Duterte drug war
- Inobliga daw ang mga pulis na puntahan ang 50 hanggang 100 bahay ng suspected drug users at traffickers bawat araw
- Ang pondo para sa mga pabuya ay nagmumula umano sa Small-Town Lottery (STL) operations
- Itinanggi ni Senator Ronald dela Rosa na iniutos niya ang pagpatay sa mga drug personalities
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa isang pagdinig ng third hearing of the House quad committee, sinabi ni Police Colonel Jovie Espenido na talagang may quota at pabuya sa ilalim ng Duterte drug war. Ayon kay Espenido, ang pondo para sa mga pabuya ay nagmumula umano sa Small-Town Lottery (STL) operations.
Sa Quad Committee hearing na nag-iimbestiga sa mga namatay sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Espenido na inobliga ang mga pulis na kumatok sa 50 hanggang 100 bahay ng mga pinaghihinalaang drug users at traffickers araw-araw. Nagbigay umano ng pabuya na P100,000 para sa bawat matagumpay na drug bust.
"Dalawa yun, quota at reward. Ang quota, bawat araw ang pulis mag-tokhang, puntahan at p-surrenderin sa police station [ang users at pushers] para sila ma-rehab," " ani Espenido sa komite nitong Miyerkules.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag ni Espenido, hindi niya pakay na pumatay ng mga drug suspect. Layunin daw niya na sumuko ang mga drug suspects upang sila ay ma-rehabilitate. Binanggit pa niya na walang namatay sa kanyang mga operasyon sa Albuera, Leyte, at Bacolod City.
Sinabi rin ni Espenido na ang pabuya para sa bawat pagpatay sa war on drṳgs ay nagmumula sa STL operations. Ayon sa kanya, ang STL money ay direktang nireremita sa Regional Director o Provincial Director. Ang mga vigilante ay bahagi rin umano ng sistemang ito, at ang daloy ng pera ay awtomatiko.
Si Espenido ay kinasuhan ng h0micide dahil sa pagkamatay ng ilang drug suspects, kabilang na ang "Ozamiz 9" noong 2017 at ang raid sa bahay ng mga Parojinog sa Ozamiz City na nagresulta sa pagkamatay ni Mayor Reynaldo Parojinog at 13 iba pa.
Sa parehong pagdinig, sinabi ni Espenido na inatasan siya ng noo'y PNP chief, na ngayon ay senador, Ronald dela Rosa, na "i-neutralize" ang mga drug personalities, kabilang si Parojinog. Mariing itinanggi ni Dela Rosa ang mga pahayag ni Espenido at nilinaw na walang iniutos na pagpatay. Sinabi ni Dela Rosa na inatasan niya si Espenido na gawin ang lahat ng legal na pamamaraan upang sugpuin ang droga sa lugar na kanyang pinamumunuan.
Matatandaang dalawang drug traffickers na sumuko sa Oplan Tokhang ang napatay ng mga awtoridad. Kinumpirma ni Inspector Dante Jallasgo, Deputy Commander ng Tagoloan Police Station, na ang mga biktima ay sumuko na bago sila napatay.
Nasangkot si Senator Bato dela Rosa sa isang mainit na pagtatalo sa isang lider ng youth group noon. Binanggit ng lider ng mga estudyante ang pahayag ni Dela Rosa tungkol sa kaso ni Antonio Sanchez. Nilinaw ni Dela Rosa ang kanyang paninindigan sa kaso ni Sanchez.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh