Bongbong Marcos, pinasalamatan ang world leaders na nagpaabot sa kanya ng pagbati
- Pinasalamatan din ni Bongbong Marcos ang mga world leaders na nagpaabot sa kanya ng pagbati
- Ito ay matapos na manguna sa presidential race kung saan mahigit 31 million ang nakuha niyang boto
- Ilang araw mula nang maganap ang eleksyon noong Mayo 9, sunod-sunod na ang pagbati kay Marcos Jr.
- Dagdag pa niyo, 'looking forward' na umano siyang makatrabaho ang international community bilang ika-17 presidente ng Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagpabatid ng pasasalamat ang nangunguna sa presidential race na si Bongbong Marcos sa mga world leaders na bumati na agad sa kanya.
Nalaman ng KAMI na ilang araw matapos ang Halalan noong Mayo 9, unti-unti nang dumagsa ang mga pagbati kay Marcos Jr. na 'di umano'y malaki ang lamang sa pumapangalawa sa kanya na si Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang tweet noong Mayo 12, binigyang halaga niya ang mga pagbati ng mga namumuno sa iba't ibang bahagi ng mundo.
"Thank you to leaders around the world who have extended their congratulations following our country’s historic elections."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"I look forward with great enthusiasm to working with the international community as the 17th President of the Republic of the Philippines," dagdag pa niya.
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Matatandaang noong Halalan 2016, naging mahigpit ding katunggali ni Marcos Jr. si Leni Robredo na kalauna'y hinirang na bise presidente ng bansa.
Ngayong 2022, sinasabing si Marcos Jr. ang nangunguna at 'di umano'y malaki ang lamang kay Robredo sa unofficial count ng katatapos lang na Eleksyon na ginanap nitong Mayo 9.
Sa ngayon, Mayo 14 kung saan 98.35% na ang nai-transmit na election returns, mahigit 31 million pa rin ang botong natanggap ni Marcos Jr. habang ang sumunod sa kanya na si Robredo ay mahigit 14 million na boto pa rin ang natatanggap.
Malayo na ang agwat nila sa nag-concede nang sina Manny Pacquiao may mahigit na 3 million na boto gayundin si Isko Moreno na halos 2 million votes naman ang nakamit.
Source: KAMI.com.gh