BBM, nagpabatid ng pasasalamat; lalo na sa 31M na botong natanggap

BBM, nagpabatid ng pasasalamat; lalo na sa 31M na botong natanggap

- Muling nagpasalamat si presidential frontrunner na si Bongbong Marcos sa mga taong sumuporta sa kanyang kampanya

- Mula Luzon hanggang Mindanao, naging matagumpay umano ang kanilang naging kampanya

- Lalong-lalo na ang 31 million na natanggap nilang boto mula sa sambayanang Pilipino

- Aniya, hindi raw nila kayang suklian ang binigay sa kanilang suporta ngunit hindi naman daw nila bibiguin ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling nagpaabot ng pasasalamat ang presidential frontrunner na si Bongbong Marcos.

Nalaman ng KAMI na sa kanya mismong YouTube channel, nagbigay mensahe ng nangungunang presidential candidate.

BBM, nagpabatid ng pasasalamat; lalo na ang 31M na botong natanggap
BBM, nagpabatid ng pasasalamat; lalo na ang 31M na botong natanggap (Photo from Bongbong Marcos Youtube)
Source: Facebook

Sa naturang video, ibinahagi rin niya ang ilang campaign rally ng UniTeam mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Pinasalamatan din niya ang team sa kanilang headquarters na pinamamahalaan ng misis niyang si Louise.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Market vendor, inspirasyon ang hatid matapos manalong Mayor ng Dolores

Gayundin ang mga kilalang personalidad na nagbigay saya umano sa kanilang mga pagtitipon.

Nagpasalamat din siya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na sila at kanyang UniTeam ang sinuportahan.

Sinabihan din niya ng 'job well done' ang kanyang team sa ipinakita umano nitong pagkakaisa.

Aniya, hindi raw nila kayang tumabasan ang binigay sa kanilang suporta ngunit hindi naman daw nila bibiguin ang mga ito.

Pinasalamatan din niya ang kanya mismong pamilya lalo na si Sandro Marcos na bagama't may sariling kumpanya, nakapgllaa

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Matatandaang noong Halalan 2016, naging mahigpit ding katunggali ni Marcos Jr. si Leni Robredo na kalauna'y hinirang na bise presidente ng bansa.

Ngayong 2022, sinasabing si Marcos Jr. ang nangunguna at 'di umano'y malaki ang lamang kay Robredo sa unofficial count ng katatapos lang na Eleksyon na ginanap nitong Mayo 9.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica