VP Leni Robredo, ilulunsad ang pinakamalaking volunteer network sa bansa

VP Leni Robredo, ilulunsad ang pinakamalaking volunteer network sa bansa

- Sa thanksgiving gathering ng grupo ni Vice President Leni Robredo, inanunsyo niya ang paglulunsad ng Angat Buhay Foundation

- Ito ang maituturing na pinakamalaking volunteer network sa bansa

- Ani Robredo wala umanong pipiliin ang organisasyon sa kung sino ang kanilang tutulungan

- Pinakalma rin niya ang mga suuporters na sa pag-iyak ng mga ito, kaakibat ang tapang gayung may trabaho pa silang gagawin at tututkan sa paglulunsad ng nasabing volunteer network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo ni Vice President Leni Robredo ang pagbubukas ng "Angat Buhay Foundation' sa Hulyo 1.

VP Leni Robredo, ilulunsad ang pinakamalaking volunteer network sa bansa
Photo: VP Leni Robredo
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI Na ang 'Angat Buhay' ay isang non-government organization na ang layunin ay magbigay tulong sa mga itinuturing na nasa laylayan ng lipunan.

Sa kanilang thanksgiving gathering na ginaganap sa Ateneo De Manila University sa Quezon City, inihayag ni Robredo ang paglulunsad ng maituturing na pinakamalaking volunteer network sa bansa.

Read also

Leni Robredo, lilipad patungong New York; tuloy pa rin ang paghahanda sa pagtatapos ng termino

"Sa unang araw ng Hulyo, ilulunsad natin ang Angat Buhay NGO. Meron na tayong template nito. Bubuuin natin ang pinaka-malaking volunteer network sa buong bansa. Pero hindi tayo mamimili ng tutulungan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ang magiging daan ng patuloy na pagsasama-sama ng kanyang supporters upang maipagpatuloy ang kanilang adbokasiya na makatulong lalong-lalo na sa mga kababayan nating naghihikahos.

"Iniimbita ko kayong lahat, ang mga nagpagod, ang mga kumpanya at private partners, itutuloy natin ang ating pagsasama-sama."

Gayunpaman, pinakalma rin ni VP Leni ang kanyang mga supporters na patuloy na nagiging emosyonal na kinakalabasan ng resulta ng katatapos lamang na Halalan.

"Hayaan ang sarili na lumuha. Pero pag tapos nang lumuha, pahiran ang sarili, dahil may trabaho pa tayo."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag sa 'Tayo ang Liwanag: Isang Pasasalamat' na ibinahagi rin ng Rappler:

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa katatapos lamang na eleksyon nitong Mayo 9. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tumakbo bilang bise presidente subalit malaki 'di umano ang naging lamang ng kanilang mga katunggali sa kani-kanilang mga posisyon na sina dating senador Bongbong Marcos at Mayo Sara Duterte.

Kamakailan, matapang na sinagot ng bise presidente ang kabi-kabilang paninira umano sa kanya maging sa kanyang pamilya. Aniya, hindi na siya nagugulat sa mga ganitong pangyayari na dinanas na rin nila noong Eleksyon 2016.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

iiq_pixel